What's on TV

Kontrabida energy ni Dennis Trillo, mapapanood na rin sa TikTok

By Kristian Eric Javier
Published September 23, 2024 2:32 PM PHT
Updated September 23, 2024 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo


Panoorin ang kuwela at villainous era ni Dennis Trillo.

Masayang-masaya ngayon ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo dahil ginagampanan niya ang kanyang dream kontrabida role na si Col. Yuta Saitoh sa hit GMA Prime series na Pulang Araw. Sa katunayan, lumalabas ang villainous energy ng aktor.

Sa TikTok ng Netflix Philippines, makikita si Dennis na nakabihis bilang si Saitoh at ginagawan ng pranks ang kaniyang co-stars. Una ay kinuha niya ang meryenda ni Alden Richards at kinain ito. Pangalawa, ay kinuha naman niya ang water tumbler ni Barbie Forteza.

Ang nagpapalamig na si David Licauco gamit ang portable fan ay pinainit ni Dennis ang ulo matapos niya kunin ito. Samantala, naudlot naman ang planong pagpapahinga sana ni Sanya Lopez nang umupo ang aktor sa upuan nito.

Maging si Ashley Ortega ay hindi nakaligtas ng kunin ng Kapuso Drama King ang cellphone niya.

@netflixph guard! guard!! si saitoh pakihuli, gigil na ako sa kanya! #pulangaraw #dennistrillo #Comedy ♬ original sound - Netflix Philippines

Sa panayam kay Dennis ni Nelson Canlas parra sa 24 Oras, sinabi niyang ginawa lang niya ang mga pranks na iyon para panindigan ang kaniyang karakter at mas maniwala sa kaniya ang mga manonood.

Ngunit paglilinaw niya, wala namang pikunan sa pagitan nila ng kaniyang mga co-stars sa kanilang off-screen na biruan. Aniya, pambalanse lang sa matitinding mga tagpo sa kanilang serye.

“Mabibigat na 'yung mga eksenang ginagawa namin dito e, so 'yun 'yung mga ginagawa namin para mapa-cool down sa mga stress levels,” sabi ni Dennis.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA PINAKABAGONG KAPUSO KONTRABIDAS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, masaya naman umano si Dennis sa offbeat roles na natatanggap niya ngayon, kagaya ng karakter niya sa upcoming Metro Manila Film Festival entry na Green Bones. Aniya, kamakailan lang ay nakunan na nila ang ilang eksena para sa pelikula kasama si Ruru Madrid.

“Nakatulong 'yung magagaling kong mga kasama at lalong-lalo na sa aming prosthetics atsaka sa make-up. May evolution 'yung character and may transformation siya sa dulo” kuwento ng aktor.

Bukod kay Ruru, makakasama rin nila sina Sofia Pablo at Kylie Padilla sa pelikulang idi-direct ni Zig Dulay.

Bago ito, patuloy na subaybayan si Dennis sa Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.