
Natapos na ang journey ng “Optimistic Apo ng Tarlac”' na si Rave Victoria sa Pinoy Big Brother dahil sila ng Kapuso teen star na si Anton Vinzon ang mga na-evict sa Bahay ni Kuya kagabi, January 3.
Matapos ang episode kahapon, naglabas ng saloobin si Rave sa nangyari at taos-puso ang pasasalamat nito sa mga supporter niya.
Aniya, “Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin 'yung family ko, 'yung mga friends ko at 'yung mga supporters ko na rin sa loob ng Bahay.
“Maraming Salamat sa inyo dahil sinuportahan n'yo ako sa journey na ito at sa lowest ko nandiyan kayo, maraming-maraming Salamat. Sana tuloy-tuloy n'yo lang ako suportahan.”
Inilarawan din ng Kapamilya heartthrob na “masaya” ang naging experience niya bilang housemate.
“At gusto ko rin magpasalamat kay Lord dahil healthy ako, 'yung buong journey ko naging masaya at maganda 'yung kalusugan ko ngayon. Thank you.”
Source: officialravevictoria (IG)
Safe naman sa eviction night sina Princess Aliyah , Ashley Sarmiento, Krystal Mejes, at Fred Moser.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.
RELATED GALLERY: Rave Victoria, the next showbiz heartthrob to watch for