GMA Logo rayver and rodjun cruz asia pacific luminare awards
What's Hot

Rayver at Rodjun Cruz, pinarangalan ng 5th Asia Pacific Luminare Awards

By Jansen Ramos
Published March 25, 2022 4:45 PM PHT
Updated March 25, 2022 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

rayver and rodjun cruz asia pacific luminare awards


Nagwagi si Rayver Cruz bilang Asia's Most Versatile Actor at Host of the Year, samantalang naiuwi naman ni Rodjun Cruz ang titulong Most Dedicated Actor of the Year sa 5th Asia Pacific Luminare Awards.

Pinarangalan ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz sa katatapos na 5th Asia Pacific Luminare Awards.

Ginanap ito noong Miyerkules, March 23, sa Grand Ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City.

Nagwagi si Rayver bilang Asia's Most Versatile Actor at Host of the Year. Ang 2021 GMA afternoon drama na Nagbabagang Luha ang huling seryeng ginawa ni Rayver. Mapapanood muli siya sa upcoming Kapuso primetime series na Bolera. Host din siya ng GMA musical competition na The Clash kasama si Julie Anne San Jose.

Samantala, naiuwi naman ni Rodjun ang titulong Most Dedicated Actor of the Year. Kasalukuyan siyang napapanood bilang Jaxon sa GMA afternoon drama na Little Princess.

Ayon sa Instagram post ni Rodjun ngayong araw, March 25, dedicated nila ni Rayver ang kanilang latest recognition sa kanilang mga yumaong magulang.

Sulat niya, "Magsisilbi itong inspirasyon para mas pagbutihin at mahalin pa namin ang aming trabaho. Para sa inyo to Mama @bethcruz747 & Papa in Heaven! Thank you @gmanetwork sa patuloy na pagbibigay sa 'min ng projects para ma-showcase ang talents namin. Sa lahat po ng patuloy na sumusuporta at nag amahal sa aming magkapatid, para sa inyo ito. Siyempre @babyjoaquinilustre @dianne_medina Kuya @omarcilustre @raphaelowenl.ilustre at Cruz-ILustre family kasama kayo sa tagumpay namin. Cheers my brother King @rayvercruz. To God be the Glory! #CruzBrothersRepresent"

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Ang Asia Pacific Luminare Awards ay isang advertising/marketing organization na kumikilala sa mga natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa iba't ibang larangan.

Simula bata pa lang ay best friends na ang turingan ng Cruz bothers na sina Rayver at Rodjun.

Sabay silang pumasok sa showbiz at napanood sa programang 5 and Up.

Pareho rin ng hilig sina Rayver at Rodjun, gaya ng pagsasayaw, at patunay diyan ang kanilang mga nakakaaliw na TikTok videos.

Marami ang kinikilig ngayon kina Rayver at Rodjun pero, gaya ng ilang heartthrobs, bata pa lang ay nakita na ang kanilang artistahin looks.

Tingnan ang mga super cute childhood photos nina Rayver at Rodjun sa gallery na ito: