GMA Logo rayver cruz and julie anne san jose
What's Hot

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, 'crush' ang isa't isa; pinakilig ang fans sa Twitter

By Jimboy Napoles
Published May 20, 2022 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

rayver cruz and julie anne san jose


Mensahe ni Rayver kay Julie Anne: "My Crush."

Muling pinakilig nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang mga taga-suporta sa kanilang palitan ng post sa social media matapos umamin sa kanyang nararamdaman para sa singer-actress ang aktor.

Sa Twitter, ipinost ni Rayver ang larawan ni Julie Anne mula sa birthday party nito kamakailan. "My crush," caption ni Rayver sa kanyang post patungkol sa aktres.

Agad naman na ni-retweet ni Julie ang post na ito ni Rayver. "Hi crush," sweet na sagot ng singer-actress.

Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa kanilang fans ang kanilang kilig posts.

"So sweet and cute," ani ng isang Twitter user.

"Sana all crush ka din ng crush mo," tweet naman ng isang fan.

Dagdag naman ng isa nilang taga-suporta, "Lantaran na 'to guys. wala na, endgame na!!!!."

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pahayag ni Rayver tungkol sa nararamdaman niya para kay Julie na sinabi niya sa mismong kaarawan ng dalaga.

Aniya, "Happy, happy birthday, Jules. Gusto ko lang sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal, kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at kay Tita.

"Palagi lang ako nandito. Mahal kita. Happy birthday."

Sa panayam naman ni Julie kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, umamin din siya na espesyal rin para sa kanya si Rayver.

Aniya, "He's very special, he's very dear to me as well."

"Dati pa naman kaming close, e, pero definitely now, mas closer. Hindi ko ma-explain, e, ibang closeness siguro," dagdag pa niya.

Samantala, silipin naman ang star-studded birthday celebration ni Julie Anne noong May 16 sa gallery na ito.