GMA Logo Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Paul Salas preparing for GMA thanksgiving gala
Sources: rayvercruz/IG, derrickmonasterio/IG, paulandre.salas/IG
What's Hot

Rayver Cruz, Derrick Monasterio at Paul Salas, naghahanda na para sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala

By Kristian Eric Javier
Published June 8, 2023 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz, Derrick Monasterio, Paul Salas preparing for GMA thanksgiving gala


Naghahanda na ang ilang mga Kapuso stars para sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala.

Naghahanda na ang ilang Kapuso stars sa nalalapit ng GMA Thanksgiving Gala ngayong 2023, kabilang na sina Rayver Cruz, Derrick Monasterio, at Paul Salas, na nagpagawa na ng custom suits sa fashion designer na si Ryan Chris.

Elegant formal ang theme ng gala ngayong taon at ayon sa interview ng tatlo kay Cata Tibayan sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras, sinabi ni Rayver na pinili niya ang “classic and clean” look.

“Magtatry ako ng something different na never ko pang nagawa or nasuot before pero mag stick ako sa classic and clean pa rin,” sabi ng aktor.

Dagdag pa nito, “Ito yung time para maging presentable lahat and elegant yung gabi para rin sa aming mga Kapuso artists so very excited and sure ako na ibang ibang Rayver 'yung makikita nila.”

Sinugurado naman ni Rayver na magkocompliment pa rin ang bago niyang look sa girlfriend niyang si Asia's Limitless star Julie Anne San Jose.


Samantala, manly, classic, sharp, and clean look naman ang habol ni Derrick para sa kanyang suit. At ayon sa aktor, importante na may character pa rin ang isusuot niya.

“Gusto ko mag perform, gusto ko makibonding, gusto ko makilala yung new people and gusto ko maka-hang yung mga boss,” sabi nito.

Bukod sa preparasyon ng mga Kapuso hunks ng mga isusuot nila, inamin din nilang hindi pa rin mawawala ang kanilang mga “paandar” na proposal sa kanilang mga idedate sa gala.

Si Paul, aminadong matagal tagal na siya naghahanap ng tyempo para ayain ang girlfriend na si Mikee Quintos.

“Ang tagal tagal ko nang hinihintay kung kailan siya pwede, kahit two days lang, hirap pa rin siya sagutin dahil nga sa pagka busy niya,” sabi ni Paul.

Dagdag nito, busy raw ang aktres sa kaniyang YouTube Channel at mga shows kaya gusto niya raw ito mabigyan ng relaxed weekend or relaxed week “depende pa sa sched niya” bago ito ayain.

BAGO ANG GALA NGAYONG TAON, TINGNAN MUNA DITO ANG ILAN SA MGA GORGEOUS LOOKS SA THANKSGIVING GALA NOONG NAKARAANG TAON: