What's Hot

Rayver Cruz offers his success to late mom

By Dianara Alegre
Published March 31, 2021 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate Blue Ribbon committee resumes its hearing on anomalous flood control projects (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz at Beth Cruz


Ibinahagi rin ni Rayver Cruz na naniniwala siyang ang yumao niya ring ina ang gumagabay sa kanila ng kapatid niyang si Rodjun Cruz para magtagumpay sila sa anumang gusto nilang abutin sa buhay.

Kahit wala na sa piling niya, naniniwala pa rin si Nagbabagang Luha star Rayver Cruz na patuloy pa rin siyang ginagabayan ng yumao niyang ina.

Pumanaw ang ina ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz na si Beth Cruz dalawang taon na ang nakararaan, at may ilang malalaking achievements na rin itong hindi nasaksihan sa buhay ng dalawa gaya na lamang ng pagpapakasal ni Rodjun at pagkakaroon ng baby, at ngayon naman ay ang pagbili ni Rayver ng sarili niyang bahay.

Source: rayvercruz (Instagram)

“Nakakalungkot din na marami siyang hindi inabutan pero alam ko naman na for sure na alam niya. Kaya ko rin nagawa ang lahat nang 'to and kaya rin nagawa ni Rodjun lahat ng nagagawa niya ngayon kasi feeling ko talaga naka-guide siya sa 'min all the way,” ani Rayver nang makapanayam ng 24 Oras.

“Hindi niya kami pinababayaan kahit hindi na namin siya kapiling. Alam naming siya 'yung angel namin.”

Source: rayvercruz (Instagram)

Samantala, katatapos lamang ng lock-in taping ng upcoming TV adaptation ng 1988 blockbuster movie na Nagbabagang Luha. Ito ay pagbibidahan ni Rayver katambal sina Glaiza De Castro at Claire Castro.

Gaganap dito si Glaiza bilang si Maita Ignacio-Montaire, ang maganda, masipag, mabait, at responsableng hotel manager ng eco-farm resort na pagmamay-ari ng Montaire family.

Si Rayver naman ang gaganap bilang si Alex Montaire, ang mestizo, gwapo, confident, charming, at friendly na tagapagmana ni Mrs. Montaire, ang owner ng Montaire Eco-Farm Resort. General Manager si Alex dito.

Ang bagong Kapuso actress na si Claire ang gaganap sa karakter ni Cielo Ignacio ang maganda, alluring, narcissistic, at mapusok na nakababatang kapatid ni Maita.

Tampok din sa serye sina Gina Alajar, Mike Tan, Alan Paule, Archie Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel.

Mapanood sa GMA Afternoon Prime ang Nagbabagang Luha sa Lunes, April 5.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.