What's Hot

Rayver Cruz on Julie Anne San Jose's sexy calendar: 'It's her decision'

By Marah Ruiz
Published November 10, 2024 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Humingi ba ng permiso si Julie Anne San Jose mula kay Rayver Cruz bago nag-pose para sa isang sexy calendar?

Si Limitless Star Julie Anne San Jose ang 2025 calendar girl ng isang sikat na liquor company.

Ayon sa singer-actress, itinuturing niya itong isang "rebirth" sa kanyang career.

Dahil sa malaking pagbabagong ito, marami ang nagtatanong kung humingi ba siya ng permiso sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz bago mag-pose para sa sexy calendar.

"Hindi ako mahigpit sa ganoon and for me, wala ako sa posisyon na pagbawalan siya ng kahit ano. I mean, it's her decision and tama naman," pahayag ni Rayver.

Maraming natanggap na papuri si Rayver dahil sa pagiging supportive niya kay Julie Anne.

"Lahat ng blessing na dumarating sa kanya, deserve niya lahat 'yun. Naka-support lang ako," lahad ng aktor.

Julie Anne San Jose and Rayver cruz

Samantala, napapanood si Rayver gabi-gabi sa hit GMA Prime series na Asawa ng Asawa Ko.

Dapat daw itong patuloy na tutukan dahil marami mga matitinding eksena ang inihanda nila para sa mga manonood.

"Marami pang mangyayaring pagbangon. Nakita naman nila na hindi talaga natatapos ang kasamaan ni Shaira (Liezel Lopez), hindi talaga matatapos," paliwanag niya.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Rayver Cruz sa video sa itaas.

Tutukan din ang tinaguriang bisyon ng bayan, ang seryeng Asawa ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.