
Nakalimang panalo ang kampeon na si Rdee Asadon kaya naman kinilala na siya bilang bagong grand finalist ng Tanghalan ng Kampeon.
Ngayong June 7, napanood ang pagkakapanalo ni Rdee sa Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock. Siya ang ika-walong grand finalist na mapapanood sa grand finals sa June 12, 13, at 14.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Makakalaban ni Rdee sa Tanghalan ng Kampeon grand finals sina Sheena Palad, MC Mateo, Lucky Robles, Gary Villalobo, Rica Maer, Shamae Mariano, at Audrey Malaiba.
Ayon kay Rdee pagkatapos i-announce ang kaniyang pagkakapanalo, "Thank you so much Lord, kasi medyo pagod na po ako. Thank you so much po sa mga inampalan."
Saad naman ng TiktoClock host na si Pokwang kay Rdee, "Huwag kang mapapagod kasi si Lord ang naglagay sa'yo dito."
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Rdee, sinabi niyang nasa sales siya noon at sa pagsali niya sa Tanghalan ng Kampeon ay naliwanagan siya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay.
Ani Rdee, "Ngayon po puro po kanta lang po which is gusto ko pong gawin ko sa buhay ko talaga."
Dugtong pa ng ika-walong grand finalist, "Napagtanto ko na talagang pagkanta 'yung nagpapasaya sa buhay ko. 'Yun po talaga yung gusto kong trabaho. Kaya 'yun po marami pong salamat sa Tanghalan ng Kampeon."
Abangan ang huling bangaan ng boses ng mga kampeon sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock sa June 12, 13, at 14, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.
Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.
KILALANIN ANG IBA PANG GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SA TIKTOCLOCK: