
Hanggang ngayon ay patuloy na tinutulungan at ginagabayan ni Aiai Delas Alas ang kanyang onscreen son na si Jiro Manio.
READ: Aiai Delas Alas, itinangging itinigil ang suporta sa rehab ni Jiro Manio
Makikita sa Instagram account ng aktres na ipinagdiwang pa nila ang kaarawan ni Jiro ngayong Miyerkules, May 9.
Aniya, "Happy birthday shammy (sa TI) Jiro, ang aking anak sa pelikula at sa totoong buhay. Happy bday, Nak. Many more to come, and wish ko for you makabalik ka na ng tuluyan sa mundo ng showbiz at tuluyan na din ang iyong pagbabago . GOD BLESS YOU MORE."
Kamakailan ay nagkaroon ng reunion sina Jiro at ang kanyang Magnifico co-star na si Isabelle de Leon.