
Marami ang natuwa at bumilib kay Kapuso actress Yasmien Kurdi pagkatapos nitong sorpresahin ang asawang si Rey Soldevilla, Jr. ng isang bagong kotse para sa kaarawan nito.
WATCH: Yasmien Kurdi, may engrandeng birthday gift sa asawang si Rey Soldevilla, Jr.
Abot langit naman ang pasasalamat ni Rey sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka star na dinaan niya sa isang Instagram post.
Aniya, "Thank you so much, Pangga! Sapat na ang pagmamahal mo, bonus na lang ito. I love u so much! At dahil jan pagda-drive ko kayo kahit saan niyo gusto. #bastadriversweetlover"