
Inamin ni Kris Bernal na si Rayver Cruz na raw ang kanyang favorite love team partner.
READ: Sino ang favorite ka-love team ni Kris Bernal?
Una silang nagkatambal sa Asawa Ko, Karibal Ko at muli silang magkakatrabaho sa upcoming Kapuso suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
Ngunit sa halip na maging magka-love team, gaganap si Kris bilang si Naomi na obsessed sa kanyang dating karelasyon na si Matteo, na gagampanan naman ni Rayver.
Ayon kay Rayver, sobrang gaan daw katrabaho ni Kris at naging magkaibigan na nga sila sa likod ng camera.
"Natutuwa lang ako na nakatrabaho ko ulit si Kris kasi comfortable na ako sa kanya, mas madali for me na makagawa ng mga eksena, lalo na 'nung first few tapings namin.
“Ang galing niya na artista, so parang 'pag nagbabatuhan kayo ng mga eksena, mas madali bukod sa close na kami.
Maliban pa roon, wala na raw ilangan sa kanilang kissing scenes.
"Alam n'yo na kung paano alalayan 'yung bawat isa kasi nakatrabaho mo na siya.
“Mas madali, mas mabilis so take one lang 'yung mga ganoon," kwento ni Rayver.
Nagseselos naman ba ang nililigawan ni Rayver na si Janine Gutierrez?
Sagot ni Rayver, "Iyon 'yung okay kapag parehas kayong artista, di ba?
“Gumagawa rin naman siya ng mga [kissing] scenes so mas maiintindihan n'yo 'yung bawat isa."
Abangan ang kwento nina Matteo (Rayver) at Naomi (Kris) sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, ngayong Lunes na July 22 sa GMA Afternoon Prime, Mondays to Saturdays pagkatapos ng Eat Bulaga.