
Bagong Kapuso ang direktor ng highly anticipated musical/romcom series na My Guitar Princess na si Direk Nick Olanka.
Sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com, nagkuwento si Direk Nick ng experience niya na gumawa ng show for the first time under GMA.
Saad niya, “Well una kakaiba siya kasi ginagawa ko before puro drama talaga, heavy drama ako kaya mga young characters [ang] ibinibigay sa akin. Nung nakuwento ko nga ito kay Inang kay Olivia Lamasan, isa sa mga mentor ko, nagulat siya na magro-romcom ako. Kasi hindi ako nagro-romcom, hindi ako kinikilig as a person.”
“Pero nung tinanggap ko ito siyempre mas naging open [ako] to new things, tapos masaya siyang gawin, na napu-push din ako.”
Sobra ring na-enjoy ni Nick Olanka ang pagsu-shoot ng My Guitar Princess lalo na't dumaan siya sa matinding pagsubok matapos tamaan ng hemorrhagic stroke noong June 2016.
Paliwanag niya, “Kasi nung after nga nung surgery, may time na nawalan ako ng memory, mga two months lang naman. Pero nung nagsu-shoot ako ng My Guitar Princess, nakalimutan ko lahat ang mga naipon ko.”
“Blanko ako kaya enjoy na enjoy ako na parang ngayon pa lang uli nagke-create ng new things, na gumagawa ng mga kuwento at tsaka ano pa ito, teleserye na mahabaan,” dagdag niya.
GMA Network strums a new story with musical rom-com series 'My Guitar Princess'
Binigyang diin ng Kapuso director na wala raw siyang nararamdamang pressure mula sa GMA management in terms of rating. Ang importante raw sa kanya ay maikuwento nang maayos ang istorya ni Celina bilang My Guitar Princess.
Aniya, “Hindi ganun ‘yung priority basta maging truthful lang sa kuwento, sa best na paraan maikuwento tsaka ‘yung pinakamatalino. I mean kaya ‘yun din ‘yung gusto ko sa [GMA] News and Public Affairs.”
Ano naman kaya ang nararamdaman niya na makakatapat niya ang mga dati niyang nakatrabaho sa ABS-CBN?
“What are my chances? Unang-una mentor ko sila, so bukod sa I respect them, I know them. And kaya sa akin din kung gagawa ako ng show, kung paano ‘yung best way to tell the story tsaka ‘yung pinakamatalinong paraan to tell the story at tsaka respecting your audience ayun lang ‘yung kailangan ko, hindi ko na kailangan isipin kung ano ‘yung kalaban,” sagot niya.