What's Hot

READ: Gabby Concepcion, nagkomento sa pagkakapares sa younger leading ladies

By Cherry Sun
Published August 14, 2018 3:20 PM PHT
Updated August 14, 2018 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Are stars born or made? Vina Morales, Tessie Tomas weigh in
'Star Wars: The Mandalorian and Grogu' to hit Philippine theaters on May 20
Over 200 families evacuated; bridge collapses due to flooding in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News



Bata, matanda, walang kaso kay Gabby Concepcion ang edad ng kanyang leading ladies. For as long as maganda ang proyekto, handa ang Kapuso actor na makapareha kahit sinong aktres.

Angat ang pagiging professional ni Gabby Concepcion nang siya ay magkomento sa pagkakaroon niya ng mas nakababatang leading ladies.

Sa dalawang Kapuso drama na pinagbidahan ni Gabby; ang Because Of You at Ika-6 Na Utos, masasabing malaki ang agwat ng kanyang edad sa kanyang leading ladies na sina Carla Abellana at Sunshine Dizon.

Gayunpaman, hindi raw ito naging isyu sa Kapuso actor. Sambit pa niya, wala raw kaso kung mas bata ulit ang makapareha niya.

Paliwang niya, “Young, old, middle-aged, I don't care for as long as maganda 'yung project, we work together, masaya siyang kasama.”

Ngayong niluluto na ang kanyang susunod na proyekto sa GMA Network, marami ang nakaabang kung sino nga ba ang kanyang makakasama at kung ano ang kanyang gagampanang bagong role.

READ: Gabby Concepcion, looking forward sa hamon ng kanyang next Kapuso role

Hindi pinangalanan ni Gabby ang kanyang gustong maging on-screen partner. Pero nilarawan niya kung sino ito, “Very visible siya. Gusto siya ng maraming tao at gusto ko rin siya makasama.”