What's on TV

READ: Kate Valdez, madaling naka-relate sa kaniyang karakter sa 'Sherlock Jr.'

By Felix Ilaya
Published January 26, 2018 3:42 PM PHT
Updated January 26, 2018 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Nearly 100 families displaced by demolition in Davao City
BOC extends importer accreditation validity to three years

Article Inside Page


Showbiz News



Espesyal daw para kay Kate Valdez ang role niya sa 'Sherlock Jr.' dahil malapit siya sa mga furry friends.

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang pilot episode ng pinakabagong action series ng GMA Drama na Sherlock Jr.

 

@rickmcalderon ???? #SherlockJrPresscon ????????

A post shared by Kate Valdez (@valdezkate_) on


Maliban sa pagbabalik-tambalan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, at ang pagpapakitang-gilas ng newest Kapuso na si Serena o Siri, dapat din abangan ang role ni Kate Valdez as Jenny.

Sa isang exclusive interview with Kate, nagkuwento ang up-and-coming teen star tungkol sa kaniyang role.

Aniya, "Ang role ko dito is si Jenny, I have a sister, Caray, played by Sofia Pablo. And kapatid ko sa nanay si Jack played by Kuya Ruru Madrid. I describe her as a loving ate, and very close siya sa sister niya. Parang ako rin kasi dalawa lang kaming magkapatid, ate rin ako."

Nag-share din ang aktres ng kaniyang experience katrabaho ang golden retriever na si Siri.

 

We are ready for the day. @valdezkate_

A post shared by Serena (@serenathewonderdog) on


"Mayroon akong mga scenes with Siri and 'yung first taping ko na nakasama siya, medyo nangangapa pa pero nung nakasanayan na at nakakasama namin siya, sobrang sweet. Makikilala mo 'yung personality na parang tao lang din. Nakakaalis siya ng stress sa set kasi pwede kami mag-play. Para namin siyang baby sister," wika ni Kate.

Espesyal din daw para kay Kate ang role niya sa Sherlock Jr. dahil malapit din siya sa mga furry friends. Sa katunayan nga ay may alagang aso siya named Ichigo.

Ayon sa kaniya, "Mahilig ako sa dogs! Now, mayroon akong dog na niregalo sa 'kin ng fan ko, very special gift siya para sa 'kin. Kahit busy ako sa taping, nagagawan naman ng paraan para mabantayan siya. Sobrang playful at kulit niya."

Here is Kate's younger sister, Karen, with Ichigo:

 

Thank you for always making me smile mah bb boy???? muah???? even if I'm tired hehe ????????

A post shared by Karen Ashley (@_karennvaldez) on


Abangan si Kate as Jenny sa Sherlock Jr., this Monday (January 29) na!