
Sa pagbubukas ng taong 2021, marami ang umaasa ng mas magandang takbo ng buhay sa kahit anong aspeto, kabilang na ang buhay pag-ibig at kalusugan.
Sa Unang Hirit ngayong araw, January 5, ay nag-guest ang Feng Shui consultant at clairvoyant na si Maricel Gaskell para magbahagi ng ilang prediskyon tungkol sa maaaring magiging takbo ng buhay ng ilang Kapuso celebrities sa Year of the Metal Ox.
Aniya, ang Ox ay “itinutulak na parang kalabaw” kaya ang mga magkarelasyon, in general, ay kinakailangan “itulak ang partner” para magkaroon ang mga ito ng confidence. Magiging mabagal umano ang paggawa ng desisyon ng mga indibidwal kaya dapat kailangan ng ibayong suporta.
Narito ang kanyang prediksyon:
1. Marian Rivera at Dingdong Dantes
Compatible aniya ang relasyon ng dalawang Kapuso royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Dahil malalim ang pang-unawa nila sa para isa't isa, maaari silang maging magkasosyo sa negosyo.
Sa health naman, “perfectly okay” umano ang dalawa.
Source: marianrivera (Instagram)
2. Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
Magiging medyo stressed daw sa work si Dennis Trillo. Dahil dito, panahon na raw para turuan ni Jennylyn Mercado, na kilala ring isang fitness enthusiast, si Dennis na mag-ehersisyo para maalis ang stress na dulot ng pagod.
Medyo hindi raw maganda ang compatibility ng Zodiac signs nina Dennis at Jennylyn pero dahil naiintindihan nila ang isa't isa at nagmamahalan sila, patuloy na nagiging matatag ang kanilang relasyon.
Source: mercadojenny (Instagram)
3. Tom Rodriguez at Carla Abellana
Medyo magulo raw magdesisyon si Tom Rodriguez, ipinaganak sa Year of the Rooster, at masuwerte siya dahil isinilang si Carla Abellana sa Year of the Tiger, na labis na pasensiyoso at maunawain.
Source: akosimangtomas (Instagram)
4. Mikael Daez at Megan Young
Pareho umanong adventurous sina Mikael Daez at Megan Young kaya maganda ang relasyon nila at magtatagal.
Source: mikaeldaez (Instagram)
5. Jak Roberto at Barbie Forteza
Compatible raw ang Zodiac signs nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Kapag medyo undecided si Barbie sa mga bagay-bagay, dapat siyang i-push at suportahan ni Jak.
Source: barbaraforteza (IG)
6. Alden Richards
Magiging colorful daw ang love life ni Asia's Multimedia Star at Centerstage host Alden Richards ngayong 2021. Mayroon daw kasing sense of humor ang aktor na attractive para sa mga babae.
Source: aldenrichards02 (Instagram)
7. Heart Evangelista
Very caring daw sa pamilya si Heart kaya walang magiging problema sa kanya ang partner niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.
Source: iamhearte (Instagram)
8. Julie Anne San Jose
Mayroon daw na special someone na darating sa buhay ni Julie Anne San Jose. Natural umano sa singer-actress ang mangamba ngunit ang magiging partner niya ang kanyang magiging sandalan at susuporta sa kanya.
Magiging colorful din ang love life niya ngayong taon.
Source: myjaps (Instagram)
9. Michael V.
Magiging matagumpay si Michael hindi lamang sa career kundi pati sa pag-gabay niya sa kanyang pamilya dahil responsable siyang tao.
Source: michaelbitoy (Instagram)
10. Vic Sotto
Isinilang sa Year of the Horse, responsible raw pagdating sa pamilya si Vic Sotto. Hindi lamang sa immediate family niya pati na rin sa iba pa niyang mga kamag-anak.
Source: pauleenlunasotto (Instagram)
11. Andrea Torres
Mayroon daw na special someone na nagkakagusto kay Andrea Torres na hindi nito maamin sa aktres. Friendly din daw si Andrea kaya minsan ay nai-interpret ng naturang lalaki na hindi siya gusto ng Legal Wives star.
'Yung lalaki na umano'y darating sa buhay niya ay magpapakita ng “care” sa kanya. Payo pa ng Feng Shui expert kay Andrea, “If I were her, sasagutin ko na 'yon.”
Source: andreaetorres (Instagram)
12. Ruru Madrid
Hindi raw makapagdesisyon sa mga bagay-bagay sa ngayon si Ruru Madrid dahil maganda ang takbo ng career niya. Hindi raw nito puwedeng pagsabayin ang career at love. Kaya kung ano ang mas matimbang, doon siya magko-concentrate.
Pareho magiging successful ang takbo ng kung ano man ang pipiliin niya, pagseseryoso sa career o love life.
“Definitely may mag-aalaga sa kanya this year,” aniya.
Source: rurumadrid08 (Instagram)
Panoorin ang Unang Hirit video below: