
Ibinahagi ni Kapuso star Ruru Madrid ang ilan sa mga plano niyang gawin ngayong 2021 kabilang na ang pagbubukas ng sarili shoe business at pagpupursige sa bago niyang seryeng Lolong.
Magtatayo ako ng business ng sapatos, itutuloy ko na 'yan. Kailangan mas magpursige ako rito sa 'Lolong.' Kung dati binibigay ko 100% kailangan this time dodoblehin ko titriplehin ko pa. Ganu'n ako maging dedicated sa trabaho,” anang aktor nang makapanayam ng GMANetwork.com bago ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Source: rurumadrid8 (Instagram)
Dagdag pa niya, ayaw na niyang mag-expect para sa ngayong taon ngunit bahagi pa rin ng kanyang New Year's resolution ang pagpapanatili ng kanyang fit at healthy na pangangatawan.
“Next year siguro, makikisabay na lang ako sa flow. Ayoko na kasi mag-expect like last year. I mean, sabi ko sa sarili ko na dapat ganyan, dapat ganito, next year gagawin ko 'to, ganyan."
Dagdag pa niya, “Lagi ko sinasabi na next year dapat ma-reach ko na 'yung goal ko na katawan. Dapat next year maging mas healthy ako. So, uulitin ko lang ulit 'yon kasi kahit papaano naman kahit hindi ko na-achieve totally 'yung gusto ko, kahit papaano may nangyayari naman.”
Source: rurumadrid8 (Instagram)
Samantala, gaya ng nakararami, marami ring natutunan si Ruru sa nakalipas na taon, kung kailan ilang buwan siyang napirmi sa bahay bunsod ng pagpapatupad ng community quarantine dahil sa banta ng coronavirus pandemic.
“I realized a lot of things during the quarantine. Kasi nga siyempre mas nakapag-isip tayo. 'Yung mga bagay na hindi natin naiisip nu'ng mga panahon na busy tayo ngayon naiisip na natin,” aniya.
Ani Ruru, mas nakita niya ang kahalagahan ng buhay at ng oras para sa mga taong mahal niya.
“Mas naging sobrang mahalaga lang sa akin 'yung time nu'ng nangyari 'yung quarantine. Hindi natin alam what's gonna happen next. Hindi natin alam kung ano pang mangyayari sa mga susunod na panahon.
“Hangga't nandiyan pa 'yung mga taong mahal mo, hangga't kaya mong sabihin sa kanila kung gaano sila kahalaga o kaimportante sa 'yo, kailangan sabihin mo sa kanila 'yon. Naging ganu'n kahalaga sa akin 'yung buhay,” aniya.
Samantala, sinalubong ni Ruru and Bagon Taon sa pamamagitan ng pagpo-post ng positibong mensahe sa social media.
Aniya, “You might have lost hope in the previous year but you must have understood you should never. May this year be the year of hope and abundance for you! Hello 2021 and goodbye 2020! Happy New Year!”
Kasalukuyang naghahanda ang aktor para sa upcoming GMA Public Affairs series na Lolong. Makakasama niya rito sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.