What's Hot

READ: Rich Asuncion, naka-relate sa Binibining Pilipinas experience ni Vickie Rushton

By Nherz Almo
Published June 21, 2019 7:01 PM PHT
Updated June 21, 2019 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics urged to be ‘sign of God's presence’ at Christmas Eve Mass
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Rich Asuncion: “Kahit pinakamatalino kang tao sa mundo, kapag inunahan ka na ng kaba, kakainin ka, lalamunin ka.”

“Parang ganun din ang nangyari sa akin!”

Rich Asuncion
Rich Asuncion

Ito ang agad na sinabi ni Rich Asuncion nang tanungin ang kanyang opinyon sa nangyari kay Vickie Rushton sa nakaraang Binibining Pilipinas 2019.

Nag-stutter kasi si Vickie sa question and answer portion ng Binibining Pilipinas Coronation Night noong June 9.

Ayon kay Rich, naiintindihan niya ang naging sitwasyon ni Vickie.

“Ang hirap din kasi kapag nasa stage ka na.

“Kahit pinakamatalino kang tao sa mundo, kapag inunahan ka na ng kaba, kakainin ka, lalamunin ka,” sabi ni Rich, na itinanghal na Binibining Pilipinas first runner-up noong 2009.

Dahil sa nangyari sa girlfriend ni Jason Abalos, maraming ang nag-uugnay rito sa naging resulta ng ikalawang Binibining Pilipinas journey ni Vickie, na natapos sa pagiging bahagi ng top 15 candidates.

Noong 2018, itinanghal na first runner-up si Vickie.

Sa palagay ni Rich, dapat ay nagkaroon pa rin ng puwesto si Vickie sa top 5 dahil sa ipinakita nitong performance sa buong competition.

Aniya, “Para sa akin, question and answer portion is just part of the whole thing.

“So, I think, feeling ko, dapat nanalo pa rin siya kasi it's a beauty contest in the first place.

“Beauty. Ang ganda niya, ang dami niyang awards.”

READ: Jason Abalos, ipinagtanggol ang GF na si Vickie Rushton sa Q&A performance nito sa Bb. Pilipinas

Diniin din niya na hindi dapat maging malaking bahagi ng criteria for judging ang question and answer portion.

Paliwanag niya, “Dapat iko-consider pa rin nila 'yung performance niya [sa buong competition] lalung-lalo na 'yung sa pre-pageant.

“Kasi, doon mo makikilala, doon mo makikita 'yung performance niya talaga.

“Kasi, kapag nanalo ka naman, ite-train ka pa ulit for the international pageants, so may chance pa.”

Pagdating naman sa pagsagot ng mga contestant, sa palagay ni Rich, “Feeling ko, in my own experience sa beauty pageant, parang tine-train ka maging beauty queen, na parang 'yung mga sinasagot mo, flowery na lang minsan.

“It's what the people want to hear, not what you want to say most of the time.”

Sa huli, muling ipinaalala ni Rich sa aspiring beauty queens ang kahalagahan ng confidence sa buong competition.

Aniya, “Dapat talaga confident ka, kahit hindi ka ganun kaganda. Kung baklang-bakla ka, sorry for the term, pero 'yung aura parang halimaw ka, makukuha mo ang atensyon.”

Itinanghal na Miss Universe Philippines 2019 ang Cebuana beauty na si Gazini Ganados.

TRIVIA: Meet the new Miss Universe Philippines