
Puno ng paghanga at respeto si Kris Aquino sa taong nagbukas sa kanya ng daan para umarte sa TV at sa pelikula. Ito ay walang iba kung 'di si Mother Lily Monteverde.
Hindi naiwasang balikan ni Kris ang pagsisimula ng kanyang showbiz career ngayong kaarawan ng Regal Films matriarch.
Wika ng Queen of All Media, “She opened the first door for me to act on TV, and the first door for me to star in a movie. Only respect & admiration for a genuinely loving & sincere woman of courage, integrity, and loyalty. Happy 80th birthday to @motherlilym!”
Kasama ng kanyang pagbati ay ang movie poster ng Pido Dida: Sabay Tayo, ang kanyang unang pinagbidahang pelikula kasama ni Rene Requiestas.