
Certified blooming, hindi lamang ang pangangatawan, kundi pati na rin ang takbo ng showbiz career ng celebrity mom na si Sunshine Cruz.
#MayIbubugaPa: Celebrity moms na endorsers ng lingerie brand
Kamakailan lang ay nakuha ni Sunshine ang isang malaking endorsement para sa isang tuna brand at kahit sa edad na 40 years old ay magiging modelo din siya ng isang lingerie brand.
#GinalinganEh: 40-year-old Sunshine Cruz bags endorsement deal for underwear line
Sa kabila nito, hindi pa rin nakaligtas ang dating Bubble Gang star sa mga negative comments mula sa kaniyang mga bashers.
Makikita sa Instagram post ng celebrity mom ang sagot niya sa isang internet troll na nagsabing ‘yuck’ at ‘nakakahiya’ ang pagsusuot nito ng two-piece bikini.
Isa ding netizen ang nayayabangan diumano sa ginagawa ni Sunshine na pagpo-post ng sexy pictures niya sa Instagram.
Nag-reply agad ang aktres at sinabing gusto niyang maging inspirasyon siya ng mga tao para maging fit at healthy.
Dagdag din niya na wala siyang masamang intensyon sa pagpo-post niya ng kaniyang sexy photos online.
Bumuhos namang ang suporta at simpatiya ng mga netizens para kay Sunshine Cruz.