
Isang bagong challenge na naman ang inulunsad ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong!
Mahilig ka bang mag-TikTok? Mahilig ka bang kumanta? Para sa iyo na ang "Lolong 214 Duet Challenge."
Samahan si Kapuso Action-Drama Prince at Lolong lead star Ruru Madrid sa pagkanta ng awit na "214," ang official theme song ng serye.
Blue ang lyrics ng parteng kakantahin ni Ruru, habang red naman ang parteng kakantahin mo. Kapag green naman ang lyrics, sabay niyo itong dapat kantahin ni Ruru.
Gamitin din ang hashtag na #Lolong214DuetChallenge" para sa chance na ma-feature sa TV o kaya sa social media accounts ng GMA Public Affairs.
@gmapublicaffairs Kakasa ka ba sa #Lolong214DuetChallenge ? 😉 Duet this video and sing your heart out with @rurumadrid1997 at maaari kang ma-feature sa TV o kaya sa aming social media accounts! 💚 #Lolong #214 #Duet #GMAPublicAffairs #EntertainmentNewsPH #SocialNewsPH #NewsPH #duetchallenge #karaoke ♬ original sound - GMA Public Affairs
Si The Clash Season 2 grand champion Jeremiah Tiangco ang kumata ng "214" bilang official soundtrack ng Lolong. Cover ito ng popular na awit ng iconic Pinoy rock band na Rivermaya.
Available na rin for streaming worldwide ang "214" ni Jeremiah Tiangco sa major platforms tulad ng Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pa.
Samantala, subukan ding sumali sa bagong pa-contest ng Lolong na "Ready, Pangil, Smile!" para sa chance na manalo ng cash prizes araw-araw.
Mag-selfie lang kasama ang tamang karakter at props na iaanunsiyo para manolo ng P1,000. I-click ang link na ito para sa full mechanics.
Patuloy na tumutok sa mas gumagandang kuwento ng Lolong, Lunes hanggang Biyenes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.