
May mahigit sa 2 million views na sa Facebook ang viral scene sa 'Tumbang Tao' mission sa Running Man Philippines kung saan nagkatapat sina Buboy Villar at Kokoy de Santos.
Ang naturang scene ay napanood sa second part ng "Winter RM Olympic Race" episode na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, May 19.
Ang intense matchup ng Bu-Koy ay nauwi sa matinding tawanan nang hindi sinasadyang mahalikan ni Buboy sa baba si Kokoy.
Bukod sa milyong views na nakuha ng video, umani na rin ito ng mahigit 75,000 reactions at nai-share nang over 525 times.
Tawang-tawa rin ang mga netizen sa reaksyon ng first Ultimate Runner na si Angel Guardian sa accidental kiss ng dalawa nyang kasamahan.
RELATED CONTENT: MEET THE KOREAN STARS JOINING THE MUCH-AWAITED RUNNING MAN PH SEASON 2