GMA Logo knorr nutri sarap monggo recipe
What's on TV

RECIPE: Nutri-Sarap Ginisang Monggo ni Nanay Gloria

By Maine Aquino
Published September 26, 2021 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeachment trial day 2 — VP Sara Duterte, nagpakita sa Senado; prosecution, nagsimulang maglatag ng ebidensya | GMA News Feed
Video of Sara’s alleged threat vs Marcos, others entered into evidence
Pokémon celebrates 30th anniversary with 'Poke-exciting' events in PH

Article Inside Page


Showbiz News

knorr nutri sarap monggo recipe


Malusog na bukas dahil sa pagkakaroon ng positibong pananaw at sa Ginisang Monggo ni Nanay Gloria.

Mga Sangkap:

1 1/2 tasang monggo
1 kutsarang bawang
1 katamtamang laking sibuyas
1 pirasong kamatis
1 bungkos na talbos ng ampalaya
4 to 5 pirasong tinapa
1 Knorr Pork Cube
2 kutsaritang patis
1/4 kutsaritang pamintang durog
1/2 tasang chicharon

Knorr NutriSarap Kitchen
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen

Paraan sa pagluluto:

1. Maglagay ng tubig sa kaldero at pakuluin.
2. Ilagay ang monggo at pakuluin sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ito.
3. Sa isa pang kawali, igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis.
4. Isalin ang nilutong monggo. Haluin at pakuluin sa mahinang apoy sa loob ng 10 minuto.
5. Ilagay ang Knorr Pork Cube.
6. Lagyan ng patis at ilagay na rin ang tinapa flakes.
7. Idagdag na rin ang talbos ng ampalaya at dinurog na chicharon.
8. Budburan ng pamintang durog. Alisin sa apoy at ihain.

Servings: 4-5