What's on TV

Red Sternberg, nagkuwento ng kaniyang buhay pagkatapos iwan ang showbiz

By Maine Aquino
Published April 15, 2021 6:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Timely Stephen Curry scoring helps Warriors defeat Mavericks
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

Red Sternberg


Ayon sa dating 'T.G.I.S.' star na si Red Sternberg siya ay nasa Florida na ngayon at nagtatrabaho bilang general manager sa isang hotel. Alamin ang kaniyang buong kuwento:

Malayong malayo na sa showbiz ang buhay ngayon ng dating T.G.I.S. actor na si Red Sternberg.

Si Red ay naninirahan na ngayon sa Florida kasama ang kaniyang asawa at tatlong anak.

Ikinuwento ni Red sa episode ng Just In nitong April 14 ang nangyari sa kaniyang buhay nang napagdesisyunan niyang iwanan ang kaniyang career sa showbiz.

Ayon kay Red, around 2001 lumipat siya ng Cebu at nag-decide siyang mag-retire sa showbiz

"When I left show business around 2001 lumipat muna ako ng Cebu. I stayed there for around a year.

Noong nasa Cebu si Red ay nakatanggap siya ng role noon sa GMA para sa isang serye.

"GMA called for a role. During that time, noong lumipat ako ng Cebu, I considered myself retired. Work is still coming, nire-reject ko. GMA called and brother ni Bobby Andrews ang role ko doon. When I read the script, I knew right away that I wanted that role."

Kuwento ni Red, nagpabalik balik siya noon sa Cebu habang ginagawa ang proyekto niya noon sa GMA. "I was in Cebu, I would fly back para lang mag-taping tapos I would fly back to Cebu... After taping diretso airport."

Pagkatapos niyang manirahan sa Cebu ay tumungo naman siya sa Bangkok, Thailand.

"After I left the Philippines, nag-Bangkok muna ako, work and pleasure."

Sumunod niyang nilipatan ay Amerika kung saan na siya naninirahan ngayon. Saad ng dating Kapuso actor, "I am in Florida...I have three kids, two girls and one boy. I have a 13, a 10, and bunso 'yung boy is one year old."

Isa sa mga ibinahagi ni Red ay ang kaniyang naging trabaho sa Amerika. Ayon sa kaniya, pumasok siya sa hotel industry.

"Ever since I got here in the US I've been in the hotel industry.

"For the past eight years, I am a general manager for hotels. So a lot of travelling. For the past five years I've been here in the Palm City beach still in the same company."

Alamin ang iba pang kaganapan sa buhay ni Red Sternberg sa video sa itaas.

Tingnan ang buhay ni Red noon at ngayon sa gallery na ito: