What's Hot

Regine, First and Personal Choice ni Robin

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 11, 2020 4:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Habagat to bring heavy rainfall over Palawan, Occidental Mindoro
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Siguradong maraming kikiligin sa muling pagtatambal nina Robin Padilla at Regine Velasquez sa "Totoy Bato."
Nagsimula nitong Lunes ang pinakabagong Telebabad show ng GMA, ang "Carlo J. Caparas's Totoy Bato." Featuring the original bad boy of Philippine showbiz na si Robin Padilla at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, siguradong maraming kikiligin sa pangatlong pagtatambal ng dalawa. Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Mitch S. Mauricio Ikatlong beses na magkakasama sina Regine Velasquez at Robin Padillasa isang project. After two box-office hits, kakagatin kaya ng kanilang mga fans ang una nilang pagtatambal sa telebisyon? First at personal choice ni Robin Padilla si Regine Velasquez para maging leading lady sa Totoy Bato. stars
"He asked me personally, I remember sa SOP noon eh, pumunta siya sa dressing room, I was doing Ako si Kim Samsoon then tapos patapos na rin 'yung Joaquin Bordado so he asked me, sinabi niya sa akin na may bago siyang project na Totoy Bato nga and he wanted me to be part of it. So ako naman sabi ko 'okay yeah,'’" ang kwento ng Asia’s Songbird about how she got the role of Anna, ang love interest ni Totoy. "Syempre natutuwa ako at I’m honored na ako yung pinili niya para maging leading lady dito sa Totoy Bato kasi I know na this is going to be a big project. At saka syempre 'yung tandem kasi namin ni Robin, subok na eh. Nakadalawang pelikula na kami, it is so easy to work with him. Hindi na ako naninibago kung may mga kailangan [na] eksena kaming dapat gawin. Hindi na [naming] kailangan pag-usapan kasi parang normal na naming nagagawa 'yun pareho," ang idinagdag pa ni Regine. Matatandaan na naging hit ang mga movies na ginawa nilang dalawa, Kailangan Ko’y Ikaw at Till I Met You. At hindi naman naging balakid ang pagiging romantically attached nila sa ibang tao. "Kasi ang pagmamahal ko kay Regine wagas ‘yan. Walang halong malisya, kapag siya ang aking katambal," ang paliwanag naman ni Robin kung bakit si Regine ang napili niyang maka-partner sa rebirth ng Totoy Bato sa TV. Dagdag pa ni Robin na sa mga eksenang gagawin nila dito sa story ng well-loved Pinoy boxer, kinakailangan na komportable at may chemistry sila ng kanyang ka-partner. "Kasi ang gusto ng aming director, love story so ang pumasok kaagad sa puso ko at isip ko si Regine Velasquez, kasi sa kanya lang lumalabas ang mga emosyon na malagkit!" Abangan ang mga eksenang tinutukoy nina Regine at Robin sa pinakabagong telebabad series ng GMA, ang Carlo J. Caparas’s Totoy Bato. Weeknights right Luna Mystika! Talk about this topic sa iGMA forums. Pwede ninyo ring hingan ng updates si Robin about his third project with Regine thru Fanatxt. Text ROBIN and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for SMART and TALK N TEXT subscribers). (This service is available only in the Philippines.)