
Dalawang buwan matapos manganak, nagsimula nang mag-workout muli si dancer and host Regine Tolentino para mabawi ang kanyang pre-baby body.
Matatandaang ipinanganak niya ang kanyang bunsong si Rosie Rignée noong March 17.
"Cheers to bringing sexy and strong back 🏻🏻 My baby @rosierignee is almost 2 months, so Im ready to go back to working out with my trainer @coachboyet and daughters @reignemaristela @reigen.vp regularly, and do dance fitness as my cardio," sulat niya sa kanyang Instagram account kalakip ang isang throwback photo niya na kinunan sa Balesin.
Sa ngayon, halos kalahati na ng kanyang target weight ang naibawas niya.
"I gained a total of 55lbs and I'm trying to lose my last 24lbs. Its quite a challenge with ECQ and all the delicious food prepared in the house, (I'm sure you can relate), but it will be a family effort to get back into shape 🏻... Slowly but surely I'll get there," aniya.
Itinuturing ni Regine ang kanyang bunsong si Rosie Rignée bilang isang miracle baby, na ipinanganak niya sa gitna ng enhanced community quarantine.
Isinilang itong may pneumonia at kinailangang manatili sa NICU at sumailalim sa iba't ibang tests bago ito pinayagang umuwi.