Showbiz News

Pokwang, handa na bang buksan muli ang puso sa pag-ibig?

By Maine Aquino

Ikinuwento ni Pokwang ang kaniyang nararamdaman ngayon pagdating sa usaping pag-ibig.

Sa vlog ni Luis Manzano, ikinuwento ng TiktoClock host kung handa na ba siyang magmahal muli.

Inamin ni Pokwang noong July 2022 ang paghihiwalay nila ni Lee O'Brian.

Kuwento ni Pokwang kay Luis, hindi pag-ibig ang priority niya ngayon pero bukas pa rin daw ang Kapuso star dito.

"Alam mo, hindi kasi 'yan ang priority ko ngayon. Siguro tama na muna. Hindi ko sinasara. Napakahipokrita ko 'pag sinabi kong hindi 'no."

Saad pa ni Pokwang, baka raw may darating na tamang tao para sa kaniya pagkatapos ng pinagdaanan niya pagdating sa buhay pag-ibig.

"Baka may plano pa si God sa'yo na maganda e so hayaan mo lang siya diyan.

Sa negosyo, trabaho, at mga anak na sina Mae at Malia muna ibubuhos ni Pokwang ang kaniyang atensyon

"Sa ngayon, magtatrabaho lang muna ako ng magtatrabaho and mas focus sa negosyo namin at sa mga anak ko.

"'Pag may dumating, e 'di dumating. Pero, I'll make sure na galing kay God."

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING KUWENTO NINA POKWANG AT LEE RITO: