Showbiz News

Saab Magalona ibinahagi kung bakit hindi nagtatagal ang away mag-asawa nila ni Jim Bacarro

By EJ Chua

Kabilang sina Saab Magalona at Jim Bacarro sa celebrity parents na hinahangaan ng maraming netizens at kapwa nila mga kasama sa music at entertainment industry.

Bukod sa pagiging hands on at loving parents nina Saab at Jim sa kanilang mga anak na sina Pancho at Vito, marami rin ang bumibilib sa pagiging mag-asawa nila.

Sa latest post ng celebrity mom sa Instagram, makikita ang ilang sweet photos ng dalawa mula sa isang event.

Kakabit ng mga larawan nila ay ang nakakakilig na caption ni Saab tungkol sa isang ugali ni Jim na napansin ng kaniyang mommy na si Pia Magalona.

Ayon sa caption ni Saab, “Before I got married, my mom shared that she could see how Jim adored me. That was the word she used: adored.”

Kasunod nito, binanggit niyang ito ang rason kung bakit hindi tumatagal ang mga nagiging away nilang mag-asawa.

Pagbabahagi niya, “And I feel it every day, even on days we fight. I know I'm adored by the person I adore right back. And that's the reason our fights never last that long. Love you, @jimbacarro [heart emoji].”

Sa kanilang vlogs sa YouTube, ibinabahagi nina Saab at Jim ang bonding moments nila kasama ang kanilang dalawang anak.

Ikinasal ang couple noong January 24, 2015 sa Baguio City.

SILIPIN ANG BEAUTIFUL FAMILY LIFE NINA SAAB MAGALONA AT JIM BACARRO SA GALLERY SA IBABA: