What's Hot

Barbie Forteza, aminadong selosa: 'Oo na hindi'

By Marah Ruiz
Published September 10, 2023 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Alamin kung paano lumalabas ang pagkaselosa ni Barbie Forteza rito:

Nag-viral kamakailan ang memes na patungkol sa "Anti-Selos Class" sa "Jak Roberto University." Ito ay dahil maraming humanga kay Kapuso actor Jak Roberto sa pagiging very understanding niya sa love team ng girlfriend niyang si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco.

Idinadaan naman ni Barbie sa tawa ang mga memes na ito dahil nanantiling matatag ang relasyon nila ni Jak.

Pero kung hindi seloso si Jak, seloso naman kay si Barbie bilang isang girlfriend?

"Oo na hindi," sagot ni Barbie matapos mag-isip nang saglit.

Agad naman niyang ipinaliwanag na depende sa sitwasyon ang kanyang "pagseselos."

"Hindi [ako seloso] 'pag, kunwari, kailangan sa work. Kasi si Jak, marami nang nakaka-kissing scene 'yan. Professional naman 'yun. Pero kung, kunwari, magkakayayaan na hindi kasama sa work 'tapos may ano, 'yun 'yung [pagseselosan ko]," aniya.

Magkakaroon din ba sila ng kissing scene David sa kanilang bagong serye na Maging Sino Ka Man?

"Magpapa-poll kami bago mag-ending. Gusto niyo ba?" biro ni Barbie.

Ang Maging Sino Ka Man ay television adaptation ng hit 1991 film na may parehong pamagat.

Gaganap dito si Barbie bilang Monique, ang role na unang ginampanan ni Megastar Sharon Cuneta. Si David naman ay si Carding, ang karakter ni actor turned politician Robin Padilla.

Lubos na pinaghandaan ang serye sa pamamagitan ng panood ng pelikula nina Ate Shawie at Binoe.

"I watched it siguro mga five times habang nagka-cardio ako," bahagi ni David.

"Natawa ko kasi magkaibang magkaiba kami. Siya pinanood niya habang nagka-cardio, ako nakahiga ako. Nakahiga ko siya pinanood, talagang patulog levels," natatawang dagdag ni Barbie.

SILIPIN ANG PAGHARAP NG CAST NG MAGING SINO KA MAN SA MEDIA SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:

Mapapanood ang special limited series na Maging Sino Ka Man, simula September 11, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din to sa I Heart Movies at Pinoy Hits, at may same-day replay ito ng 9:40 p.m. sa GTV.

Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kina Barbie Forteza at David Licauco para sa 24 Oras sa video sa itaas.