Showbiz News

Matteo Guidicelli puts wife Sarah Geronimo on top of his priorities

By Nherz Almo

Sa kabila ng kanyang busy schedule, lagi raw sinisigurado ni Matteo Guidicelli na may sapat siyang oras para sa kanyang asawa.

Kaya naman pagdating sa pag-i-schedule ng kanyang mga gagawin araw-araw, ito raw ang hiling ni Matteo sa kanyang handler, “Ini-stress ko siya palagi. Sabi ko, kailangan six to seven hours ang tulog ko bago ako magtrabaho.”

Paliwanag niya, “Siyempre, yung priority ko po ngayon sa buhay, bilang asawa, I want to be there for my wife all the time. After that, work comes in and all this.

“So, we really plot our schedules properly. The priority, of course, Penduko. Then, Unang Hirit sa umaga. Nag-break muna ako ng doon ng one month dahil maaga masyado.”

Ngayon ay muli nang napapanood sa daily morning show na Unang Hirit si Matteo.

RELATED GALLERY: Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo celebrate 10 years of togetherness

Samantala, aminado si Matteo na napakalaking pressure para sa kanya ang maging bida sa action-fantasy movie na Penduko, na isa sa official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival.

“Ako, sobrang nape-pressure ako. Sa totoo lang, like what direk said, many factors come into this, 'no? Alam po natin na yung pangalang Penduko, napakabigat niyan. People will question, 'Bakit Direk Paul [Laxamana]? Bakit Matteo?' paglalahad ng aktor.

Kaya naman bago sumabak sa shooting ng pelikula, sumailalim muna si Matteo sa matinding paghahanda.

Aniya, “I came into this knowing na malalim na Tagalog ang gagawin namin dito, matindi ang fights scenes, kumbaga. Kaya sabi ko talaga sa aming producers, 'I want to be prepared before I step on the set--not just physically, but also acting.' So, I personally requested Ruby Ruiz as my acting coach. Nag-training po kami mga three or four weeks bago dumating sa set, reading lang. Kasi, sabi ko talaga, maghanda tayo bago pumasok, so I did that.”

Bukod sa wala ang big stars na madalas kasama sa MMFF tulad nina Vice Ganda at Vic Sotto, dagdag pressure din na isang big hit ang nakaraang MMFF entry ng Viva Films--ang Deleter, na pinagbidahan ni Nadine Lustre.

“Para sa akin, going back to the question kung nape-pressure akong maging box-office [hit] yung movie, I think, my main goal is to create a beautiful film that represents Filipino culture. It makes the whole world see how rich the culture we have in our country--from folklore to Filipino albularyo to martial arts to how we do things in the Philippines.

“That's my main goal, na makapagpalabas tayo ng isang pelikula na ma-enjoy ng mga kabataan, na mga kapwa nating Pilipino. Kung anuman pagkatapos nun, bonus na po yun.”

Isa lamang si Matteo sa mga Kapuso na bibida sa Metro Manila Film Festival ngayon taon.

Kilalanin ang iba pa rito: