Showbiz News

Bea Alonzo, ilan nga ba ang gustong maging anak?

By EJ Chua

Kapansin-pansin na masayang-masaya si Bea Alonzo sa takbo ng kanyang lovevlife ngayon kasama ang kanyang fiance na si Dominic Roque.

Sa bagong vlog ng social media personality na si Ivana Alawi, ibinahagi ni Bea ang ilang detalye tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Kabilang sa napagkuwentuhan nina Bea at Ivana ay kung ilan ang gustong maging anak ng una.


Sabi ni Bea, “Gusto ko maraming anak… dati, gusto ko talaga six kids. Tapos sabi ko parang hindi na pwede, sige four kids na lang. Ending, baka dalawa na lang.”

“Kasi, gusto ko malaking family, mas masaya,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Bukod dito, napag-usapan din nina Bea at Ivana ang nalalapit na wedding ng una at ni Dominic.


Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.4 million views ang naturang vlog ni Ivana kasama si Bea.