
Ibinahagi ng It's Showtime host na si Vice Ganda kung bakit matagal nanatiling single ang kanyang kapwa host na si Ryan Bang.
Related content: Jhong Hilario, may payo para kay Ryan Bang tungkol sa relasyon
Ito ay ikinuwento ng komedyante nang mapag-usapan ang tungkol sa panliligaw sa segment na “EXpecially For You.”
Pagbabahagi niya, “Totoo 'yun ah. May mga iba na, kunware 'di ba nililigawan ka. Sa simula, hindi mo naman masyadong bet, depende sa edad din 'yan. Merong edad na… parang si Ryan dati sabi niya sa akin, 'Mommy, hindi ako manliligaw hangga't hindi ko nasasabi sa sarili ko na 'yung babaeng 'yon papakasalan ko na.'
“Kaya he stayed single for the longest time kasi sabi niya, 'Ayaw kong manligaw kasi hindi pa ako magpapakasal. Gusto ko kapag nanligaw ako, 'yung babaeng 'yon masasabi ko, 'ay ito pakakasalan ko na.'”
Sa kasalukuyan, in a relationship na si Ryan sa kanyang non-showbiz girlfriend. Ayon pa sa Korean host, nakilala na ng kanyang mga magulang ang kanyang nobya nang siya'y umuwi sa Korea nitong taon.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.