GMA Logo dominic roque and bea alonzo
What's Hot

Dominic Roque, may pakiusap sa publiko tungkol kay Bea Alonzo

By EJ Chua
Published February 8, 2024 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

dominic roque and bea alonzo


Dominic Roque, tungkol kay Bea Alonzo: "Bea's a beautiful person inside n out…”

Viral ngayon sa Facebook ang pinakabagong post ni Dominic Roque, na ibinahagi niya sa kalagitnaan ng hiwalayan issue nila ni Bea Alonzo.

Umaga ng Huwebes, February 8, isang video ang ipinost ni Dominic, kung saan mapapanood ang ilang sweet moments nila ni Bea.

Parte rin ng video ang ilang travel photos at moments ng dating engaged celebrity couple.

Makikita rin dito ang ilang naggagandahang photos ng Kapuso actress na pinili ng una na isama sa video.

Sa caption ng naturang post, mababasa ang paglalarawan ni Dominic kay Bea at ang kanyang paalala sa publiko.

Sabi ni Dominic, "Bea's a beautiful person inside n out… No hate/bashing/negative things please… [pray emoji].”

Panoorin ang video sa ibaba:

Kamakailan lang, kinumpirma ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na hiwalay na sina Bea at Dominic.

Matatandaang July 19, 2023, nang gulatin ni Bea ang publiko tungkol sa surprise marriage proposal sa kanya ni Dominic.

Balikan ang moment na ito rito: