
“Three points!”
Iyan ang naging pabirong sagot ni Shining Inheritance star Kyline Alcantara nang tanunging sila ni Kobe Paras kung ano nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa.
“Ako naman po, ang laging sagot ko diyan is what you see is what you get. Again, sinabi ko naman po before, it's not my responsibility to explain or confirm or deny anything,” sabi ni Kyline sa panayam sa kanila ni Lhar Santiago para sa 24 Oras nitong Biyernes, October 4.
Ngunit sabi ni Kobe, gusto niya sagutin ang tanong. Aniya, “Pero ako po, sasagot po ako. Meron akong famous quote on that e, 'So we're just friends.'”
Malaki ang papuri nina Kyline at Kobe sa isa't isa pagdating sa kani-kanilang pag-uugali at pagmamahal sa pamilya. Ngunit nang tanungin sila kung ano ang nagustuhan nila sa pisikal na kaanyuan ng bawat isa, ang sagot nila, “'Yung sa'kin po, 'yung mata. 'Yun po 'yung first na nakita ko when I met her,” sabi ni Kobe.
Sagot aman ni Kyline, “Physically, ako 'yung smile niya po.”
BALIKAN ANG PAGDIWANG NI KYLINE NG KANIYANG KAARAWAN SA NEW YORK KASAMA SI KOBE SA GALLERY NA ITO:
Magkasama sa isang beach trip kamakailan ang dalawa sa Infanta, Quezon. Kasama rin nila ang mga magulang at ibang miyembro ng pamilya ni Kyline para makabonding sila, na ikinasaya naman ni Kobe.
“Masya po kasi kasama namin 'yung parents ni Ky so it gives me the chance to bond with them and to get to know each other's parents,” sabi ni Kobe.
Pag-amin naman ni Kyline ay pareho kasi sila ni Kobe na mahal ang nature kaya sila nagpunta sa beach. Sinabi rin niyang magandang pagkakataon ito para maka-bonding nila ang kaniyang mga magulang, lola, at titas.
Aminado rin si Kobe na masasabi niyang espesyal ang bakasyon nila ni Kyline, lalo na at kasama nila ang kaniyang pamilya.
“Basically, it's our second time by the beach so it's gonna be interesting to do activities this time kasi 'yung first-time po namin, sa China,” sabi niya.