GMA Logo Kyline Alcantara
What's on TV

Kyline Alcantara sa namamagitan sa kanila ni Kobe Paras: 'He makes me happy'

By Jimboy Napoles
Published August 29, 2024 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


May sagot si Kyline Alcantara sa real score nila ng celebrity basketball player na si Kobe Paras.

Matipid ang naging sagot ni Kyline Alcantara nang tanungin siya ng batikang TV host na si Boy Abunda tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ng celebrity basketball player na si Kobe Paras.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, Ausgut 29, tinanong ni Boy si Kyline, “Yes o No, kayo na nga ba ni Kobe Paras?”

Sagot ng aktres, “Patawad po Tito Boy pero hindi ko po kayo masasagot ngayon. But all I can say is he makes me happy.”

Matapos ito, may balik na tanong naman si Kyline kay Boy, “Pero Tito Boy, halimbawa, boto ka ba sa kaniya?”

“Botong-boto. One to 10, 10!” ani Boy.

Matapos ito, ikinuwento naman ni Kyline ang kuwento sa likod ng viral video nila ni Kobe kung saan makikita siyang nakakandong dito habang kinakanta ang awiting “Hinahanap-hanap Kita” ng Rivermaya sa videoke.

Ayon sa aktres, nangyari ito sa bahay ng kaniyang close friend kasama ang kaniyang mga magulang.

“Inaasar namin si Kobe na kumanta siya. Nahihiya po siya so I was just there to support him and I guess that's my way of supporting him,” ani Kyline.

Matatandaan na mas umigting ang ispekulasyon na may namamagitan na sa dalawa nang makita silang magkasamang umaalis sa GMA Gala noong July 20.

Paglalahad ni Kyline tungkol dito, “First time po kasi ulit ni Kobe na mag-attend sa isang event. Kinakabahan po siya ng sobra so as always I was just there supporting him.”

Magdiriwang naman ng kaniyang kaarawan si Kyline ngayong Setyembre, at isang advance at sweet video greeting ang ipinadala ni Kobe sa aktres na ipinalabas sa Fast Talk.

“Hey Ky, I just wanna wish you a very advanced happy birthday. I am so proud of who you are and who you are becoming. You make everyone you meet so loved and wanted and you are also an inspiration to so many people,” mensahe ni Kobe kay Kyline.

Nagpasalamat naman ang aktres kay Kobe. Kuwento niya kay Boy, “Lagi niyang sinasabi sa 'kin na I am more than all the issues that is thrown at me and I am more than my love life.

“That's why lagi niya sinasabi na, 'Dito lang ako. Ikaw na muna. I will let you shine,' because he knows kung ano 'yung mga napaagdaanan ko.”

Magbabalik teleserye naman si Kyline bilang bida-kontrabida sa Pinoy adaptation ng Krorean series na Shining Inheritance sa GMA.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4PM sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: Kyline Alcantara and Kobe Paras spark romance rumors with cozy photos