
Nagdiwang ng kaniyang 25th birthday ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Kasama niyang nag-celebrate ng kaniyang special day ang kaniyang girlfriend at social media influencer na si Chloe San Jose.
Sa latest Instagram post ni Chloe, makikita ang sweet photos nila ng tinaguriang Golden Boy at mababasa rin dito ang heartfelt message ng una para sa huli.
“To my favorite person in the universe and my heart's biggest blessing, happy 25th birthday mahal ko,” sulat ni Chloe.
Sa pagpapatuloy niya, inilahad niya ang kaniyang wish para kay Carlos, “I wish you nothing but the best and the fulfillment of every dream you hold close to your heart.”
“I'm beyond grateful to love you, laugh with you, and grow with you. Thank you, Lord God. Here's to more blessings to come and celebrate together, forever,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 10,500 likes ang post ni Chloe para sa kaniyang boyfriend.
Si Carlos na kilala rin bilang Caloy ay ang Pinoy Olympian na nakapag-uwi ng dalawang gold medals mula sa Paris Olympics 2024.
Maligayang kaarawan, Caloy!