
Sa kabila ng tagal ng kanilang relasyon, aminado sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na napag-uusapan na nila ang kasal.
Ngunit sa isang panayam kasama si Karen Davila, ibinahagi ng dalawa na hindi rin naman sila nagmamadali na magpakasal.
Inamin ni Gabbi na ang magtagal ang kanilang relasyon at ang ikasal sa isa't isa ang kanilang "goals."
"But there's no pressure and we also don't pressure ourselves and the people around us don't pressure us as well kasi alam naman namin na doon din papunta 'e. We're just taking our time," paliwanag ng SLAY actress.
Sabi ni Khalil na pinapahalagahan din muna nila ang kanilang mga individual careers at pinag-iisipan mabuti kung kailan ang tamang panahon para rito.
"We both are aware that it would take up a lot of time. Siyempre, there's wedding prep and everything," dagdag ng aktor.
Para kay Gabbi, ang ibigsabihin ng pagpapakasal ay ang pagiging top 1 priority ng isa't isa.
"We're not rushing into it, but we do talk about it and we do acknowledge na doon naman talaga kami patungo and sooner or later, we would have to get married and settle down," paliwanag ni Khalil.
Humanga rin ang TV reporter na nalagpasan ng dalawa ang "7-year itch" o kung tawagin nilang pinaka-challenging na taon para sa mga magkasintahan.
Ngayon, sina Gabbi at Khalil ay walong taon nang magkarelasyon.
Nagsimula magkarelasyon sina Gabbi at Khalil noong 2017.
Panoorin ang buong panayam nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dito:
Video courtesy of Karen Davila (YouTube)
Samantala, tingnan dito ang travel photos nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos: