
Kilala ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos bilang isa sa mga couples na may long-lasting relationship na umabot na ng walong taon. Ngunit paano kaya nila napanatili nang ganoon katagal ang kanilang relasyon?
Sa panayam nila sa vlog ni Karen Davila, binahagi nina Gabbi at Khalil ang ilan sa mga sikreto ng longevity ng kanilang relationship. Ayon sa SLAY actress, malaking dahilan nito ay dahil masaya lang sila sa kanilang relationship.
“I feel like kasi we have so much fun together. It's just that hindi kami ýung couple na masyadong seryoso sa lahat ng bagay. Magbarkada kami, yeah, we're bestfriends. We make fun of each other, we play around, we have fun, we enjoy the relationship,” sabi ni Gabbi.
Pagpapatuloy pa ng aktres, mas madalas ay para lang silang magbarkada ni Khalil.
Ngunit ani Khalil, isa sa malaking factor ng maganda nilang relationship ay dahil hindi sila naging love team. Sa katunayan, sabi ni Gabbi, ay nagki-cringe sila tuwing nagkakatrabaho sila sa isang project.
“Eventually, we got to work together so medyo awkward siya na 'Uy, parang ano tayo, love team.' Parang hindi kami sanay. But 'yun nga, it became beneficial for the both of us,” sabi naman ni Khalil.
BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA GABBI AT KHALIL SA GALLERY NA ITO:
Nag-umpisa umano sila bilang magkaibigan at magbarkada, bago pa man sila naging magkatrabaho.
Ayon sa singer-actor, dahil nassa magkaiba silang networks noon, ay hindi nila alam kung papaano ang isa't isa sa trabaho. Kaya naman kapag nagkikita o nagde-date sila, mas focused sila sa isa't isa.
“So whenever we would see each other, it's actually us, talaga, outside of work. So we built that relationship from the ground up, with the idea that we want it to last talaga,” sabi ni Gabbi.
Dagdag pa ng aktres, umpisa pa lang ay nakita na nila ang potensyal ng pagtagal ng kanilang relationship kaya naman, pinag-usapan na umano nila maging matalino sa kanilang relasyon.
“Parang we really made sure that we make the right decisions na hindi namin sasayangin 'yung chance, kasi nga parang click kami e, okay kami e. So let's develop it even more,” sabu ng aktres.
Dagdag pa ni Gabbi, hindi siya 'yung tipong gusto ng short-term relationships at flings, ngunit nilinaw na hindi rin naman siya against sa mga taong ganu'n.
“Ako lang mismo, I'm just not like that,” sabi ni Gabbi.
Isa pa umanong sikreto nina Gabbi at Khalil ay ang magkaiba nilang personalidad. Ani Gabbi, extrovert siya habang introvert naman si Khalil, kaya nako-complement nila ang isa't isa.
“We complement each other, we balance each other. Siya 'yung medyo kailangan kong i-support, kapag ako naman nasi-stress and I'm over thhe place, he calms me down, so we compliment each other. We're like a zipper, we zip each other up,” sabi ni Gabbi.
Ngunit pag-amin ng theater actor, na-realize lang nila ang tungkol dito “down the road” ng kanilang relationship. Aniya, hindi naman sila perpekto at marami ring naging arguments tungkol sa differences na iyon.
“But then, when it became more serious, tumagal na kami. We had to make it work. And then we found the dynamics na 'Ah, okay, this is how the relationship is talaga. This is how partners should be.' We lift eachother up, 'yung weaknesses namin, we help each other, and 'yun nga, our relationship fits like a glove,” sabi ni Khalil.