
Hindi isang pamamaalam kundi pansamantalang paghihiwalay lamang para kay Jovie Albao sa asawa niyang si OPM Icon Freddie Aguilar ang pagpanaw nito. Pumanaw ang “Anak” singer dahil sa multiple organ failure nitong Martes, May 27.
Nag-post si Jovie ng larawan nila ni Freddie sa Facebook sa parehong araw ng pagpanaw nito. Kalakip ng litrato ang mensahe niya para sa namayapang asawa na nagsasabing mamumuhay siya nang mabuti para magkita sila nito sa Jannah, ang Islam na bersyon ng langit.
“This is not goodbye, just farewell for now. Mahal na mahal kita, hanggang sa muli bhabe. It was a good fight, because we are fighting together,” papgpapatuloy ni Jovie.
Bilang isang Muslim convert simula pa noong 2013, sinunod nila ang paniniwala na kailangan mailibing sa loob ng 24 oras ang namayapa. Ayon sa Muntinlupa City Muslim Affairs Office, inilibing si Freddie sa Islamic Cemetery sa parehong araw ng kanyang pagpanaw.
Pinangunahan ni Director ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office Brother Johnny Guiling, kasama ang National President ng Balik-Islam Consultative Assembly, Inc na si Brother Delfen “Amla Omar” Gayatao Jr. ang seremonya.
BALIKAN ANG NAGING BUHAY AT MUSIKA NI FREDDIE AGUILAR SA GALLERY NA ITO:
Sa hiwalay na post ni Jovie nitong Miyerkules, May 28, sinabi niyang alam niya na ang pinakamahirap na gabi para sa isang tao ay ang unang gabi na nakalibing na ang kanyang minamahal. Sa larawan na kalakip ng kanyang post, makikita siyang nasa harap ng puntod ni Freddie.
“I am not here out of worry. I am confident that, due to your faith in Allah, your first night was peaceful. I am here to rest. I tried to sleep at home, but our house doesn't feel like home without you,” sulat ni Jovie sa kanyang post.
Dagdag pa nito, kahit umano nagbilin si Freddie na 'wag siyang umiyak noong gabi bago ito mawala ay lalo lang siya naiiyak.
“I will shed a few more tears today, tomorrow, and every time I think of you until I can smile again when I think of you,” pagtatapos ni Jovie ng kanyang post.