
Full support si primetime action hero Ruru Madrid sa kanyang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.
Magsisimula na kasi ang pagbibidahan ni Bianca Umali na much-awaited telefantasya series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Ruru na isa rin siya sa mga masugid na naghihintay para mapanood ang serye.
"I'm very excited sa ano 'yung maipapakita niya sa Sang'gre. I'm sure magiging matagumpay ang programa na ito dahil buong puso niya rin ang inalay sa bawat eksenang ginawa niya. Napakarami niya ring mga pinagdaanan but I'm sure na magiging worth it ang lahat ng 'yan," pahayag ni Ruru.
Nagbigay siya na mensahe para kay Bianca at sa lahat ng nasa likod ng programa.
"Nandito lang ako lagi na naka-suporta sa 'yo, nakaalalay sa 'yo, anuman ang mangyari. Sobrang excited na 'ko sa Sang'gre. At sa lahat ng parte po ng programang ito, congratulations," lahad niya.
Matatandaang nag-season finale kamakailan ng primetime action-drama series ni Ruru Madrid na Lolong: Pangil ng Maynila. Mapapanood sa iniwang timeslot nito ang Sang'gre simula sa June 16.
Gaganap dito si Bianca Umali bilang Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng brilyate ng lupa.
Abangan ang world premiere ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16, 8:00 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Sa GTV naman, mapapanood ito ng 9:40 p.m.