advertisement
Showbiz News

Showbiz couples na naghiwalay at nagkabalikan din

1 of 14

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Taong 2010 nang maging couple sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pero makalipas ang ilang buwan, nauwi ito sa hiwalayan. Nagkabalikan sila noong 2014 at ikinasal noong November 2021. Ayon kay Jen, naging immature sila pareho ni Dennis noong unang beses na nag-break sila dahil mga bata pa sila noon. Sinikap naman nilang muling i-work out ang kanilang relasyon kung kailan mas napag-uusapan na nila ang anumang problemang dumating sa kanilang personal na buhay. Para kay Jennylyn, si Dennis ang kanyang first love kaya masaya siya na ang aktor ang kanyang nakatuluyan.

2 of 14

Blended family

Sa ngayon, may isang anak sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang magdadalawang taon na si Dylan Jayde. Tunay na anak din ang turing ng isa't isa sa kanilang anak na sina Alex Jazz at Calix Andreas mula sa dati nilang mga nakarelasyon.

3 of 14

Rhian Ramos and Sam Versoza

Sa guesting ni Rhian Ramos sa 'Fast Talk with Boy Abunda' noong June 19, 2023, inamin niya na minsan na silang naghiwalay noon ng boyfriend niyang si Sam Verzosa. Ayon sa aktres, pinagsisisihan niyang hindi siya mas naging supportive kay Sam tungkol sa pagtakbo nito sa pulitika, na isa sa mga rason ng kanilang breakup noon.

advertisement
4 of 14

Communication

Nagkabalikan din sina Rhian Ramos at Sam Versoza matapos mapag-usapan ang kanilang mga problema at natutunan nilang maging mas bukas ang komunikasyon sa isa't isa.

5 of 14

Maja Salvador and Rambo Nunez

Hindi rason ang third party kung bakit naghiwalay noong 2010 sina Maja Salvador at Rambo Nunez. Ayon sa aktres, mas nais niyang nag-focus sa kanyang career noon. Matapos ang siyam na taon, kinumpirma ni Maja ang kanilang pagbabalikan nang mag-post siya noong Valentine's Day 2019 ng isang larawan ng letter kung saan nakasulat ang, "Thanks for being my Valentine again after 9 years," katabi ang isang bouquet ng bulaklak.

6 of 14

Soon-to-be parents

Dalawang beses kinasal sina Maja Salvador at Rambo Nunez. Nagkaroon muna sila ng isang secret civil wedding noong Valentine's Day 2023 kung kailan nila ipinagdiwang ang kanilang fourth anniversary, bago ang kanilang grand wedding sa Bali, Indonesia noong July 2023. Kasalukuyang buntis si Maja sa kanilang unang anak ni Rambo na isang baby girl.

advertisement
7 of 14

Joem Bascon and Meryll Soriano

Naging magkarelasyon sina Joem Bascon at Meryll Soriano noong 2009 nang magkasama sila sa isang teleserye. Nagkahiwalay ang dalawa nang magpasyang ipagpatuloy ni Meryll ang kanyang pag-aaral sa London noong 2010. Matapos ang siyam na taon, muling nagkatrabaho ang dalawa sa isang pelikula. New Year 2020 nang gulatin nila ang publiko nang makita silang magkasamang nagdiwang ng Bagong Taon na nagpahiwatig ng kanilang pagbabalikan. Matatandaang walong taong nakarelasyon ni Joem ang vlogger na si Crisha Uy bago pa sila nagkabalikan ni Meryll.

8 of 14

Son

January 2021 nang ianunsyo ni Meryll Soriano na isinilang niya ang unang anak nila ni Joem Bascon na si Gido.

9 of 14

Jomari Yllana and Abby Viduya

Love is sweeter the second time around para sa dating teen sweethearts na sina Jomari Yllana at Abby Viduya, na kilala ring Priscilla Almeda, matapos silang mag-reconnect noong 2015 at magkabalikan matapos ang 30 taon. Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' inamin nilang mas bukas na ulit sila sa kanilang mga damdamin nang dumating ang pagkakataon na pareho na silang single. Naninirahan na si Abby sa Canada at umuwi ng Pilipinas para ituloy ang naudlot nilang relasyon ni Jomari.

advertisement
10 of 14

Vegas wedding

Nag-propose si Jomari Yllana kay Abby Viduya noong August 2023 sa Hong Kong. Ikinasal sila sa Las Vegas noong November 2023. May plano rin silang magpakasal sa Peñafrancia Shrine sa Naga, kung saan din ikinasal ang mga magulang ni Jomari.

11 of 14

Elisse Joson and McCoy De Leon

Nabuo ang pag-iibigan nina Elisse Joson and McCoy De Leon nang maging contestant sila sa isang reality show noong 2016. Gaya ng ibang magkasintahan, dumaan din sila sa pagsubok at nauwi sa hiwalayan. Noong 2020, nagkabalikan ang dalawa.

12 of 14

Rekindled romance

Ayon kay Elisse Joson, big factor ang kanilang anak na si Felize kung bakit sila nagkabalikan ni McCoy De Leon. Magtatatlong gulang na si Felize sa April 11, 2024.

advertisement
13 of 14

Melai Cantiveros and Jason Francisco

Gaya nina Elisse Joson at McCoy De Leon, nagkamabutihan din sina Melai Cantiveros at Jason Francisco nang sumali sila sa isang reality show noong 2009, kung saan nabuo ang "Melason." Nauwi sa totohanan ang kanilang onscreen love team at ikinasal noong 2013 sa General Santos City, ang hometown ni Melai. July 2016 nang ianunsyo ni Jason ang kanilang hiwalayan ng kanyang asawa pero nagkaayos din sila matapos ang ilang buwan.

14 of 14

Mela and Stela

May dalawang anak sina Melai Cantiveros at Jason Francisco na sina Mela at Stela na kinaaaliwan sa social media ngayon dahil kuha raw ng mga ito ang humor ng kanilang komedyanteng ina.