Angeline Quinto weds partner Nonrev Daquina in Quiapo Church

Ikinasal na ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto sa partner niyang si Nonrev Daquina ngayong Huwebes, April 25, sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, o mas kilala bilang Quiapo Church.
Nag-post ng litrato ang ilang guests mula sa pag-iisang dibdib ng couple na idinaos ngayong hapon.
Isang blooming bride si Angeline sa kanyang off-white off-shoulder wedding gown habang hawak ang kanyang bridal bouquet na gawa sa puting phalaenopsis. Samantala, classic Barong Tagalog naman ang suot ng kanyang groom na si Nonrev.
Star-studded ang mga dumalo sa church wedding nina Angeline at Nonrev kabilang na sina Vice Ganda, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Martin Nievera, Erik Santos, at Dra. Vicki Belo.
Kabilang din sa guests sina Manila Mayor Honey Lacuna at ilang executives ng ABS-CBN na nagsilbing principal sponsors sa nasabing kasal.
March 2020 nang unang nagkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng isang common friend.
April 27, 2022 nang isilang ng mang-aawit ang una nilang anak na si Baby Sylvio.
Bali-balita rin na buntis si Angeline sa ikalawa nilang anak.
May nauna nang tatlong anak na babae si Nonrev mula sa dalawa niyang dating nakarelasyon.







