Showbiz News

READ: KC Concepcion, may sagot sa nagtatanong kung break na sila ng kanyang French BF

By Aedrianne Acar

Ilang bagay ang sinagot ng actress-singer na si KC Concepcion sa Instagram.

KC Concepcion

Ang ilan dito ay mga tanong kung may plano ba siyang magbuntis at ang estado ng kanyang relasyon sa French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart.

READ: Bakit malaki ang pasasalamat ni KC Concepcion sa kanyang LGBT friends?

LOOK: Meet KC Concepcion's new French boyfriend

Sa comments section ng kanyang Instagram page, muli niyang nilinaw ang haka-haka ng netizens na siya ay nagdadalang-tao ngayon.

Pero aminado naman ang anak ni Sharon Cuneta na naiisip na rin niya na magkaroon ng sariling anak.

“Oh I WISH I could pregnant. Unfortunately, I'm not. I do want to have babies already though.”

Diretsahan din sinagot ni KC ang malisyosong post ng isang basher na kaya wala siyang recent post patungkol kay Pierre ay break na silang dalawa.

@lucero6388 “wala ng balita about your boyfriend. Dati panay ang post pero ngayon wala na. Ganun lang bay un? Ganunlang ka shortlived?”

Sagot ni KC, “Dahil hindi nagpopost at may konting privacy, ganun agad? Grabe.”

Unang nagkakilala sina KC at Pierre na isang film producer taong 2011 sa gala dinner ni former U.S. President Bill Clinton.