Showbiz News

WATCH: 'Prima Donnas' star Aiko Melendez, binuko ng mga kaibigan tungkol sa dating breakup

By Aaron Brennt Eusebio

Ibinuking nina Sarap 'Di Ba host Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Candy Pangilinan ang kanilang best friend na si Prima Donnas star Aiko Melendez sa pagiging “madrama” raw nito.

Aiko Melendez

Sa latest vlog ni Aiko, tinanong niya kung sino sa kanilang magkakaibigan ang halos ihagis ang isang maleta nang makipag-break sa boyfriend.

Sabay-sabay turo naman sa kanya nina Carmina, Gelli, at Candy.

“Ikaw si madrama sa ating apat. Best actress talaga,” sabi ni Gelli.

Hindi naman makapaniwala si Aiko, na planong bukuhin sana si Gelli.

Para patunayan ang pagiging madrama niya, ikinuwento ni Candy, “Ito naalala ko, dumating ka sa bahay, naka-maleta ka, meron kang maleta, may dala kang maleta.

"Naka long gown ka, 'tapos ang laki ng tiyan mo. Hindi naman long gown pero naka-dress siya.

“Sabi ko, 'Paano ka nakarating dito?' Sabi niya sa akin, 'Nag-taxi ako!'"

Hindi naman tinukoy ni Candy kung sino ang dating boyfriend ni Aiko.

Dagdag naman nina Carmina at Gelli, mayroon ding insidente kung saan bumaba si Aiko habang nasa gitna ng EDSA.

Panoorin ang kanilang nakakaaliw na bukingan sa video na ito: