Anak nina Bing Loyzaga at Janno Gibbs, pinangalanan na ang kanilang godparents sa kasal
Published On: November 01, 2019, 03:20 PM
Napili ni Alyssa “Chi” Gibbs at fiancé niyang si Anton Cruz na maging ninong at ninang sa kasal ang celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
Janno Gibbs 'genuinely happy' for daughter Alyssa's engagement
Sa Instagram post ni Ogie, looking forward na siya sa magiging wedding nina Alyssa at Anton.
Wika ni Ogie, “Thank you @chiiloyzagagibbs @antoncruz @jannolategibbs and @bingloyzaga for visiting us. We are so excited to be ninong and ninong at your wedding chi and anton!! ️️️ God bless you both! @reginevalcasid”
Matatandaan na-engage ang anak ng Beautiful Justice star na si Bing Loyzaga at Janno Gibbs sa Sydney, Australia noong 2017.