Showbiz News

WATCH: Maine Mendoza, itinangging photoshopped lang siya sa Atayde family picture

By Dianara Alegre

Itinanggi ni Kapuso actress Maine Mendoza na photoshopped lang siya sa picture na kuha sa dinner ng Atayde family kasama ang boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Ipinost ng aktres na si Sylvia Sanchez, ina ni Arjo, ang naturang photo sa kanyang Instagram account.

Caption nito, “Fun dinner last Sunday. Sunday is famday. Love you kiddos. #family #happiness #blessed #thankuLORD. Happy evening.”

Marami ang pumuri, pero umani rin ito ng mga negtibong komento sa iba't ibang social media sites.

Giit ng mga ito, edited lang umano si Maine sa larawan.

Depensa naman ng aktres, siya pa nga raw ang nagyaya sa pamilya Atayde na matuloy ang dinner.

Panoorin ang buong ulat ng Unang Balita:

Alden Richards, Maine Mendoza remain as most tweeted stars in 2019

WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, excited sa kanilang entry para sa MMFF 2019