Showbiz News

WATCH: Vic Sotto at Maine Mendoza, excited sa kanilang entry para sa MMFF 2019

By Cara Emmeline Garcia

May bagong nilulutong pelikula sina Eat Bulaga! dabarkads Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza sa nalalapit na Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Vic Sotto at Maine Mendoza

Mission Unstoppable: The Don Identity ang pamagat ng kanilang entry taunang film festival.

Ayon sa kanila, kakaiba ang mapapanood ng fans sa mga sinehan ngayong Disyembre.

Saad ni Vic, "First time namin gagawin ito na hindi kami mag-ama [ni Maine] at, sa katunayan, nagkakakontrahan pa kami."

Dagdag ni Maine, "Kakaiba ito sa mga nagawa dati ni Bossing, bago for him and bago for me.

"Mukhang riot, but riot in a different way [ang istorya]."


Ayaw pang magbigay ng clue ng dalawa tungkol sa plot ng istorya.

Makakasama nila sa pelikula sina Jose Manalo, Jake Cuenca, at Pokwang.

Panoorin ang ulat:


'Love You Two,' 'Daddy's Gurl,' 'Dragon Lady' among top shows in Twitter PHL

Cast ng 'Daddy's Gurl,' proud sa panalo nina Vic "Bossing" Sotto at Maine Mendoza sa 7th Kagitingan Awards for Television