
Nag-post ang One of the Baes actress na si Jelai Andres ng reaction video sa vlog ng estranged husband niyang si King Badger o Jon Gutierrez na miyembro ng rap group na Ex Battalion.
Puno ng masasayang alaala at pagpapakita ng tibay ng kanilang pagsasama ang laman ng vlog ni Jon, na binalikan ang favorite places nila ni Jelai.
Sa umpisa ng video, sambit ni Jon, “Every time na gumising ako, may naggu-good morning kiss.”
Bahagyan naluha rito Jelai at sinabing, “Mami-miss mo talaga 'yun kasi simula nung naging kami, every morning kiss ang gumigising sa kaniya.”
Kabilang sa mga binisitang lugar ni Jon ang Philippine Army sa Fort Bonifacio at Santuario de San Antonio Parish sa Makati, kung saan sila nagsisimba tuwing meron silang blessings o problema.
Dumaan din si Jon sa paborito restaurant nila at naalala ang mga panahon na inalagaan siya ni Jelai at ng pamilya nito nang magkasakit siya.
Pahayag ni Jon sa vlog, “Makikita mo lang 'yung halaga ng isang bagay kapag wala na sa 'yo.
“'Yung pakiramdam ka na nawalan ka ng armas, nawalan ka ng panangga sa gitna ng napakatinding digmaan.
“Sobrang dami kong napagtanto, sobrang dami kong pinagsisisihan.
“Sobrang bait niya kasi kaya masyado akong nakampante.
“Sa lahat ng babae na nakasalamuha ko, iba talaga 'yung pinakasalan ko.”
Dagdag ni Jon, “Kung mahal mo ang isang tao at alam mong siya na ang para sa'yo, huwag kang mag-aksaya ng oras para hindi gumawa ng mga bagay na ikakasira niyong dalawa.
“Pahalagahan ang oras at gamitin para makabuo ng mga pangarap, pamilya, at memorya na dadalhin mo habang buhay.
“Take it from me, araw araw kong pinagsisisihan na nawala ang asawa ko dahil lamang sa mga maling desisyon na nagawa ko sa buhay ko.
“I hope may mga natutunan kayo sa 'kin,” saad nito bago tapusin ang vlog.
Hindi na napigilan ni Jelai ang maluha sa puntong ito.
Aniya, “Sorry hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na alam kung ano ang plano para sa akin ni God.”
Naging emosyonal si Jelai matapos makitang mag-isa na lamang minsan sa ospital si Jon kapag may sakit ito.
“Lalo na nung nakita kong mag-isa na lang siya sa ospital, iyak ako grabe,” sabi niya.
Pabiro na lamang tinapos ni Jelai ang video at sinabi, “Kasi, nag-reaction video pa kasi, sorry.”
Ikinasal sina Jelai at Jon noong October 2018 at naghiwalay nitong April 2019, ngunit nananatiling kasal pa rin ang dalawa matapos ang kanilang marital problems.
Ex Battalion's Jon Gutierrez admits fault in marital problem: "I made a mistake.
Panoorin:
WATCH: Jelai Andres and Jon Gutierrez 's sweet reunion
Jon Gutierrez a.k.a. King Badger, binisita si Jelai Andres sa 'One of the Baes?'