Showbiz News

Marian Rivera, proud sa bagong achievement ni Dingdong Dantes

By Jansen Ramos

One proud wife si Marian Rivera sa asawa niyang si Dingdong Dantes matapos itong ma-promote bilang lieutenant commander ng Philippine Navy reserve command.

Dingdong Dantes is now a lieutenant commander of the Philippine Navy

Sa Instagram, ipinost ng Kapuso Primetime Queen ang ilang larawan na kuha mula sa donning of rank ceremony sa Philippine Navy Headquarters ngayong Lunes, January 27, kung saan isa ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor sa mga sinuotan ng bagong ranggo.


"Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res).

"Super proud of you my husband... Salute!" sulat ni Marian sa caption.

Ayon kay Marian, dream come true para kay Dingdong ang pag-angat nito ng ranggo dahil sa pamamagitan nito, mas lalawak ang kanyang koneksyon para maisakatuparan ang kanyang mga proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa ating mga kababayan.

"Bago mangyari 'to talagang aware ako kasi sa [lolo] pa lang ni Dindong, talagang very active talaga sila sa pagtulong," bahagi ni Marian sa panayam GMA reporters na dumalo sa donning of rank ceremony kaninang umaga.

"Kaya kung makikita mo, medyo teary-eyed s'ya [kasi] talagang pangarap niya.

"Hindi lang siguro dahil nakauniprorme s'ya, sinabi nga n'ya na, 'Hindi ako naka-uniporme kaya ako tutulong.'

"Siguro alam naman ng lahat na sa Yes Pinoy na noon pa man ay tumutulong na talaga si Dingdong."

IN PHOTOS: Dingdong Dantes and Rocco Nacino lead relief operations for Taal victims