What's Hot

READ: Barbie Forteza reveals secret to stable relationship with Jak Roberto

By Nherz Almo
Published February 3, 2020 4:28 PM PHT
Updated February 4, 2020 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran’s Ricardo laments 'ugliest quarter' of season in Game 1 loss vs San Beda
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza shares secret to lasting relationship with Jak Roberto


Barbie Forteza: “Napakadaling kasama ni Jak. Wala siyang kahit na anong ere sa katawan.”

Magtatlong taon na ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto ngayong 2020.

Barbie Forteza
Barbie Forteza

Sa tatlong taong ito, nadiskubre na ng magkasintahan ang paraan upang mapanatiling maayos ang relasyon nilang dalawa.

“Patience sa side niya,” biro ni Barbie nang tanunging ang sikreto ng relasyon nila ni Jak sa ginanap na press conference ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kamakailan.

Pagkatapos ay seryosong inilahad ng Kapuso Primetime Princess, “Communication, siyempre, hindi dapat mawala 'yan.

“Kahit hindi kami nagkikita, araw-araw pa rin naman kaming magkausap--ke-video call 'yan, tawag o text--nag-a-update pa rin naman kami sa isa't isa.

“Trust, pagpasensya, at pag-understand sa schedule ng isa't isa kasi hindi naman parehas ang schedule namin di tulad before noong magka-work kami.”

Huling nagkasama sina Barbie at Jak sa dating Kapuso primetime series na Kara Mia.

Bukod sa mga ito, binigyang-diin din ni Barbie ang katangian ng kanyang boyfriend, na isa sa mga dahilan ng matiwasay nilang pagsasama.

Aniya, “Napakadaling kasama ni Jak. Wala siyang kahit na anong ere sa katawan na, 'Hindi, ako muna.' Walang ganun.

“Siya talaga, parang alam naming ang priorities naming sa buhay, so nagkakaintindihan kami sa part na 'yon.”

Bagamat nanatiling matibay ang kanilang relasyon, sinabi ni Barbie na wala pang seryosong usapan tungkol sa pagpapakasal.

Nakangiting sabi ni Barbie, “Parang bago pa tayo dumating sa engagement, sa kasal, yung long relationship, parang sa panahon ngayon ay mahirap na ring ma-achieve.

“So, doon muna tayo mag-focus. Wala pa namang serious conversations about that.”

EXCLUSIVE: Barbie Forteza, nagpa-plano na raw ng future with Jak Roberto

Samantala, malaki raw ang pasasalamat ni Barbie sa kanyang fans, na kilala sa pangalang Barbienatics.

Wala raw anumang pressure mula sa kanila pagdating sa relasyon nila ni Jak.

Kuwento ni Barbie, “Hindi naman nakaka-pressure. Actually, minsan nga pinaglalaruan pa namin like, yung exchange gift namin na ginawa na namin, finally!

“Parang nag-trending pa siya last, last year, na hindi namin alam kung paano nangyari 'yon.

“Parang pinaglalaruan na lang namin yung mga ganung bagay.

“Pagdating naman sa pressure, ever since naging kami ni Jak, wala akong naramdamang pressure sa side nila.”

Bukod dito, hindi tulad ng fans ng ibang celebrities, nanatiling supportive ang mga tagahanga ni Barbie kahit kanino pa siya maipareha.

Katulad na lamang sa nakaraang Daig Kayo ng Lola Ko, kung saan naka-partner niya ang kanyang celebrity crush na si Dennis Trillo.

LOOK: Dennis Trillo at Barbie Forteza, thankful sa mataas na ratings ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

Sabi ni Barbie, “That's one of the things I'm proud of sa aking friends, sa aking Barbienatics supporters.

“Kasi, ever since nag-start ako sa showbiz, ma-partner man ako sa iba, gumawa man ako ng ibang project, na medyo edgy, they're all for it, parang lahat sila supportive, all-out support sa akin, dahil malinaw sa kanila na ang sinusuportahan nila ay ako at ako lang.

“Hindi yung kung sino yung kasama ko, hindi yung kung anong project ang ginagawa ko. Ako yung sinusuportrahan nila.

“It's something that I can brag about and something na I will treasure forever kasi yung pagmamahal na 'yon ng suppporters ko ay talagang solid, hindi ko mababayaran talaga.”

Tunghayan si Barbie Forteza, kasama sina Kate Valdez at Migo Adecer, sa bagong GMA Telebabad series na Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday araw-araw pagkatapos ng 24 Oras.