Showbiz News

WATCH: JuanChoyce wedding, napuno ng kilig, iyakan

By Dianara Alegre

Natuloy na sa kasalan ang real life couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring nang magpalitan sila ng I do's sa isang garden wedding ceremony sa Pasay, nitong Linggo, February 9.

Larawan si Joyce Pring ng isang radiant bride habang hindi naman napigilan ng groom na si Juancho na maging emosyonal sa seremonya.

Kilig naman ang hatid ng palitan ng Juanchoyce ng kanilang vows para sa isa't isa.

“I promise to love you each and every day from now on,” pangako ni Juancho sa kanyang magandang bride.

“Kakampi mo ako habambuhay, ikaw ang pipiliin ko palagi,” ang sagot naman ni Joyce kay Juancho.

Nagbigay din ng mensahe ang newlyweds sa kanilang mga magulang.

“Gusto ko lang mapa-feel sa mga mahal naming sa buhay like our parents how much they mean to us,” sabi ni Joyce.

“Nakaka-emotional kasi just being able to thank them. Hindi mo nagagawa sa araw-araw 'yon,” sabi naman ni Juancho.

Una silang nagkasama sa trabaho noong Halloween 2018 kung saan nag-dress up si Juancho bilang si Chucky at bride naman daw ni Chucky si Joyce para sa Unang Hirit.

Panoorin ang emosyonal at nakakikilig na garden wedding nina Juancho at Joyce:

WATCH: Juancho Trivino and Joyce Pring look back at serendipitous love story in pre-wedding film

FIRST LOOK: The wedding of Joyce Pring and Juancho Trivino